Chapter 3 - Our Meeting

2K 20 3
                                    

Chapter three: Our meeting

(Fast forward na po to)

Alyssa's POV

Ang daming nangyari during the first two months ng pagiging college ko! Super na enjoy ko ata yung two months haha. For me and Anne dami na naman namin kalandian pero sama na natin yung gang sila Mary, Jewel, Robs, Mic, Neri at Love super saya nung mga nangyari sa amin. May mga nakilala na kami ni Anne na new friends namin medyo humiwalay din kasi kami ni Anne kayla Mary minsan at kami lang ni Anne magkasama sa mga lugar lugar kaya dumami din yung kakilala namin sa school.

May program na naman sa college namin siguro sa two months ng school panay program lang kami at yung iba nacancel yung class kasi sa bagyo kaya parang wala kaming masyadong napagaralan or hindi lang talaga ako nakikinig?

Today may program Talent Explosion daw, eto yung contest sa collge namin para mapili yung representative namin for teh USC Week, dapat sumali ako haha. Pero nakakahiya matatalo lang ako talented yung mga students dito sa school and hindi naman ako talaga magaling sa pagsayaw or pagkanta pero kaya ko naman.

Magpapalate nalang ako, 8 pa naman yung start and I'm quite sure hindi 8 magiistart yan. Filipino Time sympre. Ayaw ko sana pumunta kaso required siya at sila Anne mapilit andun kasi yung crush niya wait ano ba pangalan niya? Aba ewan basta crush ni Anne la ako pake, crush lang naman eh hindi pa boyfriend at hindi pa ako papansinin nun para magpalakas sa best friend haha.

Sympre ang gang ni Mary pupunta mamaya kasi andun yung crush ni Love and crush ata ng lahat ng BS BIO pero magaling naman talaga siya kumanta. Nung orientation kasi kumanta siya kasama yung isang girl and super galing niya talaga hanga din ako pati nung college week kumanta yung band nila super. Kaya siguro gusto siya ni Love, pero may itsura yung guy kaso chubby tawag nga ni Mary dun "Baklang Baboy" ewan ko bakit bakla mga bitter yung mga yun.

Nakakatawa yung mga friends ni Mary kasi ang gagaling din kasi pagdating sa lalaki ang daming alam. Nagaya din ata kay Anne sa pagiging stalker. At ang dami nilang kilalang lalaki ewan panay lalaki ata inatupag nitong mga to. Sa dami nilang lalaki bat hindi nalang nila ako bigyan?

Haha joke lang! Sabi ko diba No more boys ako kaya tutuparin ko yun pag wala akong nakita na worth it. Haha at wala pa naman mga guys na nagpaparamdam sa akin ngayon. Super lamig siguro ng pasko ko pag ganito nalang nangyari sa akin lalo naman sa birthday ko, lonely ang birthday ko.

Ayun yung mga 7 na pumunta na ako sa school I'm sure traffic na sa Edsa ngayon haha malalate talaga ako pag ganito kaya sabi ko kay Mang Berto wag na kami dumaan sa Edsa at ako ay malalate ako magagalit yung sila Anne at Mary sa akin!

At biglang nagbeep yung phone ko.

[From: Anne Dimawala]

Friend, where n u?

Haha si Anne talaga excited din masyado 7 palang no at andun na sa school grabe tong babaeng to ano ba siya security guard at super aga pumasok. Hindi naman siya kasali pero ang agaaga daig pa yung mga kasali.

[To: Anne Dimawala]

On the way na friend. Excited much ka ah. Sino ba kasama mo diyan?

[From: Anne Dimawala]

Lapit ng bhay ah. blsan mo. andto na kmi nla mary at jewel. bagal kasi.

Haha ang bilis mag reply siguro naiinip na to sa akin. Ako papasok ng maaga haha no way sayang ang tulog ko kahit ayun nalang minsan ginagawa ko sa bahay sayang energy tas magiintay lang wag na. Sila Mary at Jewel din super excited I'm sure nauna si Mary pumasok ayan pa yung isang excited like kunyari pasok namin 8 nansa school na ng 6:30. Kaya minsan pag nansa bahay siya natutulog aga ko din pumasok.

My Love for a Magician ~CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon