"H-hindi ko s-sinasadyang sabihin ang mga 'yon..."

Biglang nawala ang ngiti niya, "So you didn't mean it?"

"I m-meant it! L-lahat ng sinabi ko, t-totoo 'yon... kahit wala ako sa katinuan. A-ang ibig kong sabihin... hindi ko sinasadyang lumabas sila sa bibig ko."

Siya naman ngayon ang hindi nagsalita.

"B-bakit ka pumayag?" lakas loob na tanong ko.

"I like your offer." simpleng sagot niya.

"S-seryoso ka rin ba sa mga s-sinabi mo kagabi? Kahit pa lasing ako?"

"Kung seryoso ka, seryoso rin ako."

"J-jacin..."

"I'm letting you fix me June."

"P-paano kung hindi ko magawa?"

Ngumiti siya ulit na ikinagulat ko, "I am fully aware that fixing and healing someone's heart may take ages. You have a lifetime to fix me. Let's take everything slowly and carefully. So take your time and I'll take mine."

"P-pero..."

"Ayaw mo ba?"

"G-g-g-gusto ko..."

"It's settled then. Boyfriend mo na ako. Girlfriend na kita."

"S-sigurado ka ba? P-pero ako lang 't-to. B-baka kung anong isipin ng mga tao sa'yo..."

"Let's not care about them." Pinitik niya ng mahina ang noo ko, "You don't have to be perfect to be with me, June. Just be yourself." Hinawakan niya ang pulso ko at hinatak pero hindi pabalik sa villa.

"S-saan tayo pupunta?"

Ngumiti lang ulit sya, "You'll know."


~*~


"Wow!" Ang tangi kong nasabi.

Dinala ako ni Jacin sa isang parte ng island kung saan may napakagandang waterfalls na sa tantiya ko ay nasa twenty feet ang taas. Waterfalls, gaya na lang ng tawag sa style ng braid ng buhok ko.

"What do you think?" narinig kong tanong niya, hindi ko kasi magawang alisan ng tingin ang anyong tubig sa harap namin.

"Ang ganda... sobra." Kulang yata ang salitang ganda para i-describe itong waterfalls. Kahit ang lagaslas ng tubig nito, ang sarap ding pakinggan.

Ano bang tamang word?

Kabigha-bighani?

Majestic?

"Papasa na bang subject mo?"

Nilingon ko siya at tumango ng sunod-sunod. "Sobrang perfect nito para maging subject ko!"

Muntik ko nang malimutan na kailangan ko nga palang magpasa ulit ng art work kay Sir Jimenez! Akala ko mahihirapan akong humanap ng subject, pero heto ako ngayon sa harap ng pinaka-perpekto na yatang subject sa lahat.

Pero kung si Jacin ang subject ko, masasabi kong perfect din 'yon.

Kusang gumalaw at naglilikot ang mga daliri ko.

"Hindi ko dala ang mga gamit ko." bagsak ang balikat na sabi ko sa kanya. Gusto ko nang magpinta ngayon.

Umupo siya sa damuhan, pinuwesto ang backpack sa harap niya, at isa-isang inalis ang laman nito.

Nakangananga akong umupo sa tabi niya.

Ngumiti siya at kumindat, "I brought mine."

Kung pwede lang siyang yakapin, nagawa ko na.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Where stories live. Discover now