Magpapanggap na lang ako na hindi ko alam ang mga nangyari kagabi... na wala akong maalala.

Imposible June. Nasabi ko na ang lahat kay Alisson at Sam.

Nakakainis naman kasi si Jacin eh, bakit ba pumayag siya sa alok ko? Bakit pumayag siyang maging boyfriend ko? Lasing din kaya siya kagabi?

Paano naman kung hindi siya pumayag, ano kayang mararamdaman ko?

Malang mugto ang mata ko ngayon kakaiyak. O kaya nagpapanggap na okay, kahit hindi naman talaga.

Bahala na nga!

Dinilat ko ang mata ko.

At nakita ko sa harap ko ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko.

Hindi ba siya napapagod? Kanina pa siya takbo ng takbo sa isip ko! Tapos ngayon biglang nasa harap ko na siya!

"Boo."

Nakita ko na siya sa harap ko, pero nagulat pa rin talaga ko.

Napaurong ako at impit na napatili.

Tinawanan niya lang ako.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad pabalik ng villa.

"Hey, wait up!" Nakakailang hakbang palang ako ng mahablot niya ang pulso ko, hinarap niya rin ako sa kanya. "May problema ba?"

Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang sasabihin. Ano bang dapat kong sabihin? Tinanong niya ko... ano bang dapat kong isagot?

Kaharap ko na si Jacin.

Ano bang dapat kong gawin?

Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa nagwawalang nilalang sa loob ng dibdib ko.

Nang mapansin niyang hindi ako umiimik, ngumiti siya. Ang totoong ngiti ni Jacin na sa malayuan ko lang madalas makita. Nilibot niya ang tingin sa buong mukha ko, pababa sa buo kong katawan. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Mas gumanda ka."

Lumunok ako dahil pakiramdam ko nasa lalamunan na ang puso ko, gusto na yatang kumawala mula sa dibdib ko.

Gusto ko sanang sabihin na ang gwapo niya rin, pero hindi ako makapagsalita. Beanie, white shirt, jeans, at timberland boots ang suot niya. Nakasapatos siya kahit nasa beach kami, at naka-backpack rin. Ang gwapo niyang talaga. Isabay pa ang pabango niyang nanunuot sa ilong ko.

Naging smirk ang kaninang maganda ngiti niya, "I can feel your heartbeat. Ang bilis. Is it because of me?" Tinaas niya pa ang pulso kong hawak-hawak niya pa rin.

Mabilis na iling lang ang naisagot ko kay Jacin. Binawi ko ang kamay ko at tinalikuran siya ulit. Muli akong naglakad pabalik sa villa pero nahabol niya lang ulit ako.

"Bakit mo ba 'ko tinatakbuhan?" natatawa pang tanong niya.

Hindi pa rin ako makasagot. Kabang-kaba ako na hindi maintindihan.

"And why aren't you talking?"

Hindi pa rin ako makapagsalita.

Bumuntong hininga siya at nilabas ang kanina pa nakatagong kanang kamay mula sa likuran niya. May hawak itong pink daisy.

Hindi ako nakagalaw nang dahan-dahan niya itong inipit sa gilid ng tainga ko.

Ngumiti siya ulit, "It suits you... girlfriend."

Hindi ko na naman alam ang ire-react ko. "'I-iyong kagabi... l-lasing lang ako."

He nods, "And?"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon