Chapter Seven : Die Day

Beginne am Anfang
                                    

Nabitawan nila ang mga kutsilyong hawak nila kaya aabutin sana iyon ng isa kaso sinipa ko ito papalayo sa kaniya. Ang isa naman ay aabutin sana ang kutsilyo din pero inapakan ko ang kamay niya.

Susugurin sana ako ng isang lalaki pero agad kong hinila ang braso ng lalaking apak ko at siya ang ginawa kong pangsangga. Napahinto ang lalaki sa pagsugod sa akin at napatingin sa kasama niyang nasaksak niya. Kaya naman ay nginisian ko siya.

Sa sandaling mamukhaan niya ako ay nakita ko pang nagulat siya. "M-Mr. President."

I saw how threatened he is and he even took a step backward.

"Come here, idiot!" Wika ko.

Agad siyang kumaripas ng takbo at naiwan pa ang kutsilyo niya sa sobrang takot niya. Tss. These cowards just tried to infiltrate someone's place. Sino naman kaya ang balak nilang paslangin? They don't look like assassins.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Johan.

"Yup?" He answered na para bang nagising siya sa tawag ko.

"Call the boys. Building 4. May basura dito need to be swept!" Wika ko at binaba na ang tawag.

Hindi na ako nag-aksayang habulin pa ang lalaking iyon. Nagsimula na akong maglakad ulit upang makabalik ako sa building sa kabila when I heard voices.

"Saan naman natin siya mahahanap?"

It was a woman's voice. Lumapit ako sa kung saan nandoon ang boses. Sumilip ako sa likod ng isang pader. And I saw a girl and a man in the okd orchidarium.

"Calm down. Nandito lang siya sa loob ng Academy!" The guy uttered.

"I want to see him. I want to see him right now. I want to know if he is okay. After 6 years makikita ko ulit siya."

"Don't worry. We'll rescue him as what we've promised, Ve."

What are they doing at this hour? Hindi ko na 'yon pinansin. Rescue? Kaya ba sila pumasok dito para may i-rescue? That is insane.

_____________________________

NHEAN'S POV

"May kakaiba ngayon." Naibulalas ko habang naglalakad kaming tatlo ni Red at Ve sa hallway papunta sa fifth floor. Sabay naman silang napatingin sa akin.

"Araw-araw namang kakaiba dito, Nhe!" Sabi naman ni Ve. Tama naman siya. Masyado lang akong maraming iniisip.

Pinindot na ni Red and elevator at sabay kaming pumasok doon.

"Pero may kakaiba talaga sa mga estudyante. Mukhang ilag sila ngayon." Nasabi ko pa rin. Hindi ko maiwasang kabahan. Nakakaramdam talaga ako ng kakaiba sa kanila.

Napatingin ako sa harap namin. Salamin ang elevator kaya naman ay makikita mo ang reflection kapag tatayo ka sa loob.

I accidentally throw my sight at Red's. Tahimik lang siyang nakasandal sa salamin habang nakapamulsa. Mukhang malalim din ang iniisip niya.

"Hmm, oo nga. Siguro nagsawa na sila o 'di kaya ay natakot kay Red." Ani Ve at ngumisi pa sabay peace sign. Nagkibit balikat lamang si Red at 'di naman pinatulan ang sinabi ni Ve.

Napatawa na lang ako ng bahagya kay Ve. At talaga namang nang-asar pa siya. Napuno ng tawanan namin ang elevator. Kaming dalawa lang dahil KJ naman si Red.

Shimmara Academy | PREQUEL (Under Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt