Prologue

45.9K 757 33
                                    

"Walang hiya ka talaga!" lumapit siya sakin at pinaghahampas ako "alam mo bang ang sarap mong patayin ngayon dahil sa kamanhidan mo!!? Bwisit kang Lazaro ka!!!" patuloy pa rin siya sa panghahampas at ako naman isinasangga lang ang mga braso ko.



Aray ko masakit na ah.




"Te-teka nga! Tumigil ka nga sa kahahampas! Aray aray masakit na!" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para pigilin ang mga hampas niya, "ano bang problema mo ha?! naninisi ka na nga sinabihan mo pa ako nang tanga at manhid!" Hinablot niya ang mga braso niya.



"Hahaha" tumawa siya nang pagak pero patuloy pa rin siyang lumuluha "ano pa nga bang aasahan ko sa isang manhid at tanga na kagaya mo? Ipinaramdam ko na nga, ipinakita ko pa at higit sa lahat ako na ang gumagawa ng first move hindi mo pa rin maintindihan at makita! Ang manhid manhid mo! Napakawalang hiya mo!" Nagsimula na naman niya akong hampasin,




"te-teka, aray a-aray, Ano bang pi-"



"Mahal kita bwisit ka mahal na mahal kita kaya ayukong maging magkaibigan tayo!!! Mahal kita kaya mas gusto ko pa na higit tayo sa hinihingi mo!!! Mahal kitang manhid ka!! Bwisit ka!!!" malakas na sigaw niya at tumigil na sa kakahampas sakin.



Napatanga ako sa narinig ko.



Ano daw???



M-m-m-ma-hal niya a-ako??!



As in mahal na mahal?.............................

×××××××××××××××××××××××××××

Hi there everyone!!! Thank you dahil nag abala kayong basahin ang storya ko.

Again Girl to Girl po ito, kung mga homophobic kayo please lang magsilayas na kayo hahaha.

I'm not a professional writer, pero writer na ako simula pa nung nasa preschool ako, if you know what I mean. ;)

Actually tapos ko na siya kaya time na lang ang kailangan ko sa pag update.

So once again advance THANK YOU!

LOVE YAH ALL!

{L.A}

I'm Yours  (GirlsLove) (Revision Soon)Where stories live. Discover now