Chapter 19 - World War H

Magsimula sa umpisa
                                    

“I'm sorry my Queen, for using you, for deceiving you. From now on, I will treat you like a real Queen, my Queen.”

She smiled. Hindi niya kasi alam kung ano ba dapat ang maramdaman niya ngayon. Malinaw man ang lahat sa kanya, naroon pa rin ang pag aalinlangan.

MALAKI ang pasasalamat ni Hari mukhang tinanggap na talaga siya ng tuloyan ng Reyna ng EET. Isa pa, masaya rin siya ngayon dahil kahit na, hindi pa man sinasabi ni Aiszel sa kanya na napatawad na siya nito, ramdam niya namang hindi na ito ganoon kagalit sa kanya.

Alam niyang kaunti na lang ay mapapasok niya na rin ang puso ng Reyna ng buhay niya. Fuck! Ang bakla man sa pandinig pero kinikilig rin siya. Ampotah! Isang titig lang ni Aiszel sa kanya natutunaw na ang lahat ng dipensa niya.

Sa paningin niya, si Aiszel ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Akala niya, kapag nagmahal ka, ganon ganon na lang iyon pero totoo pala na kapag nagmahal ka, handa kang maging bulag sa lahat ng mga pagkakamali nito. Babae lang si Aiszel, nagmahal sa maling tao, bagay na kinakagalit niya. Sana talaga ay nauna niya na lang nakilala si Aiszel para hindi na nito nakilala ang walang bayag na Azil na 'yon! Tss. Nakakayamot, bwesit! Sarap nilang pagpomyangin ni Hellion.

Yumuko si Hari at tinignan ang listahan ng mga bibilhin niya. Inutosan kasi siya ni Aiszel na bumili ng mga gusto nitong kainin. Damn! Kung titingnan niyo lang ang listahan niya ngayon, manlulula kayo sa haba ng listahang iyon. Lahat puro maanghang! She even wrote the he needs to buy a kilo of siling labuyo. Damn! Mukhang magiging kasing "hot" ng ulo ni ni Aiszel ang anak nila.

Kumuha si Hari ng isang pack ng crackers, ginawa na niyang lima dahil ito naman ang hilig ni Aiszel na kainin ngayon. Kumuha na rin siya ng whip cream at siling labuyo. Ang weird talaga ng panlasa ng buntis. Mabuti na lang at nag search na siya sa internet at sa mga libro, nakaisip na nga siya ng pangalan ng magiging anak nila kung babae man ito o lalaki.

Shit! He's really excited.

“Sir?”

Napalingon si Hari ng marinig niyang tinawag siya ng kung sino. Kumunot ang noo niya ng makita niya ang pamilyar na babaeng nasa harapan niya. She was wearing a dress, halos umabot iyon ng talampakan nito.

Tumaas ng bahagya ang kilay niya. “Yes? Do I know you?” Medyo iritable ang pagkakasabi niya.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni Hari na may lumalapit sa kanyang ibang species ng babae, baka kasi mamaya mahaharot magselos pa ang Reyna ng buhay niya.

Ngumiti ito sa kanya. “Sir, ako po yung tinulongan niyo before? Sa labas po ng AA Tech building, yung nasira po yung shoes.” Paalala nito sa kanya.

Bigla ay naalala ni Hari iyong araw na 'yon. Iyong susundoin niya sana si Aiszel kahit na kagagaling niya lang ng Sicily.

Tumango tango siya. “Oh, naalala ko na.”

Muli itong ngumiti sa kanya. “Opo, isinabay niyo pa nga po ako sa sasakyan niyo. Nakakahiya lang kasi po hindi po ako nakapag pasalamat sa inyo.” She smiled again, there is something weird in her smile.  “Umalis na kasi kayo kaagad.”

“Yes, sinundo ko kasi yung asawa ko.”

Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla itong namutla. “A-a-asawa niyo po si Queen Aiszel?”

He nod. “Yes, is there a problem with that, Miss...” Tanong niya pa rito.

“Junaimah po.” Maagap na sagot nito.

“Alright Miss Junaimah it was nice seeing you again but my very pregnant wife is waiting for me at home. If you'll excuse me.”

Nahihiyang ngumiti itong muli sa kanya. “Salamat po ulit Sir.”

Desperate Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon