Chapter 18 - Fall

Start from the beginning
                                    

Amanah is her best friend. Magmula ng iregalo ito sa kanya ng Uncle Jaguar niya ay minahal na niya ito na para bang isang tao. Kaya nga lahat ng bagay na gusto niya ay sinusunod ni Amanah, sa kanya lang naman ito maamo.

“Alexandra, nandyan pa ba si Hellion sa labas?” Bigla ay tanong niya rito.

Hinahaplos pa rin niya ang balahibo ni Amanah at saka kumakain ng banana chili salad.

“W-wala na po, Queen. Tinawag po kasi siya ni Grand Master Demon.”

She sighed. Halos araw araw ay pinipilit siya ng bastardong iyon na kausapin kahit naalibadbaran na talaga siya sa mukha nito. Goodness! Ngayon niya lang napagtanto na ang pangit talaga ni Hellion!

“What ever happens don't let him enter my chamber or else,” bumaba ang tingin niya kay Amanah, nagets naman na kaagad iyon ni Alex. “Good.”

Hindi niya na talaga nagugustohan ang mga inaasta ni Hellion, she's not a fan of a fucking incest. Kahit kailan, kahit na anong dahilan, hindi niya papatulan si Hellion. Isang malaking galit at inggit lang ang nararamdaman niya rito.

THE NEXT day, Aiszel woke up with headaches. Damn! Her stomach is also growling asking something to eat. Pashnea! Kakakain niya panigurado siyang mananaba na siya ng tuloyan nito. Thanks to her child inside her womb, hear her sarcasm please.

“Ahh!” Napahawak siya sa kanyang noo dahil masakit talaga ang ulo niya. Bwesit na morning sickness. “Alex! Alex!”

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Alam niyang si Alex iyon, duh! Obvious naman na tinawag niya diba?! Kaya hindi na niya inabala pa ang sariling lingonin ito.

“Give me a glass of water, Alex. Nahihilo na naman ako!” Inis na sabi niya rito.

Naramdaman niya ang mabigat na paglundo ng kama, meaning, may naupo sa tabi niya at alam niyang hindi si Alex iyon dahil kilalang kilala niya ang amoy ng nasa tabi niya. Iyong amoy na ilang linggo na niyang hinahanap. Amoy papi, amoy Hari.

“You're not eating well, you're so thin, my Queen. You should eat more for our baby to be healthy.” Nag aalalang puna nito habang nilalapag ang dala nitong isang tray ng pagkain sa side table ng kama niya.

Tumitig lang siya kay Hari ng ilang minuto. Yes, medyo matagal dahil gusto niyang ime-moryado ang mukha ng asawa niya.

Hari sighed at took a slice of fresh apples before heading it to her mouth. “Eat more, my Queen.”

Wala siyang nagawa kundi ibuka ang kanyang bibig at tanggapin ang mansanas. Habang nginunguya niya iyon ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya rito.

Damn it! She can't help but to admire how dashingly handsome he is. Take note, he's just wearing a plain V-neck white shirt and a pair of cargo shorts, his brown hair is a little bit messy it fits on his serious features yet with a hint of playfulness. Oh, God! She missed her signature playful grin so much.

“I missed you.”

Hindi niya napansin na napalakas na pala ang sabi niya niyon kaya natigilan si Hari sa pagkuha ng isa pang slice ng mansanas.

Ang buong akala niya ay magsasalita ito pabalik, pero hindi. Laking gulat niya ng hawakan siya ni Hari sa magkabilang pisngi at kaagad na hinalikan siya sa labi.

Kusang napapikit ang mga mata ni Aiszel upang damhin ang init ng labi nito sa kanyang mga labi. Isang halik na muling nakapag paluha sa kanya. God! Bakit ngayon niya lang naisip? Bakit ngayon niya lang napansin na hulog na hulog na siya sa lalaking ito? Bakit?!

Sinuklian ni Aiszel ang bawat galaw ng labi nito. Miss na miss niya na si Hari, hindi na nga niya maipaliwanag kung gaano siya nangungulila sa binata.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now