27

19K 264 15
                                    

27

Medyo mahaba lang siya, medyo lang...saka, medyo cliche, pero eto pumasok sa utak ko eh...handa basa!

****************************

“Grabe Jelly, halatang in-love ka!” Sabi ni Winsor sa kanya.

“Ako na naman ang nakita mo.”

“E kasi naman, kahit ang dami nating ginagawa, nakangiti ka pa rin na parang timang. Parang laging inspired. Sabagay, kung si Zanjo ba naman ang boyfriend mo na hindi lang ubod ng guwapo kundi macho at mayaman na, hindi ka ba maiinspire?”

“Ang sweet naman kasi niya, Winsor!” Kinikilig na sabi ni Jellaine, paano ba naman, ang Zanjo na yun, nag-iwan na naman ng roses sa guard ng school nila, laki yata ng suhol na ibinibigay nito sa guards kaya pinapayagan na mag-iwan ng kung anu-ano, chocolates, roses, teddy bear. Hay! Sarap niyang maging boyfriend.

“Oo nga, pero sabi mo nga, wala ng kapatid yan, kaya wala na siyang katulad. Yung kaibigan naman niya na si Dionne, ang nililigawan ang kaibigan mong si Gina. Wala na talaga akong pag-asa. Kay Glake na ako mapupunta nito.”

Speaking of Glake, natutuwa naman siya dahil tinanggap nito ng maayos ang desisyon niya, mas naging okay nga ang pagsasama nila na naging magkaibigan sila kaysa noong nanliligaw pa ito sa kanya. Mas naging close sila kahit pa nga kung minsan ito ang dahilan ng selos ng talaga namang seloso niyang boyfriend.

Mamaya, pupuntahan niya ito sa opisina, naglalambing ito nung isang araw pa na dumaan, pareho kasi silang busy this past days kaya medyo kakaunti yung time nila sa isa’t isa, pero yung pagiging sweet at thoughtful nito, laging andun.

Dahil maaga silang nirelease ngayon, she decided to visit Zanjo. Bigla niya kasi itong na miss. Hindi siya nagtext o call man lang dahil gusto niya itong masorpresa, nag taxi na lamang siya para mas mabilis. Siguradong magugulat ito pag nakita siya.

Binati niya ang guard bago pumasok, lahat ng nakakasalubong niya ay nginingitian niya, kilala na kasi siya ng mga ito. Masyado kasing obvious ang nobyo kapag magkasama sila, masyadong showy sa feelings nito, minsan nga nag PDA na ito.

Nagulat si Dante nung makita siya. Talaga namang magugulat ito, wala siyang pasabi, hindi ba?

“Ang Sir Zanjo mo, Sir Dante?” Nakangiting tanong nito.

“Ah…ehh..may kausap sa loob. Tama, may kausap sa loob, Ma’am Jellaine.” Hindi ito halos makatingin ng direcho sa kanya.

“Okay ka lang ba? You look uneasy. Pupuwede ba akong pumasok? Or pupuwede ko ba siyang hintayin rito?”

“Ha? Ah, Oo. Sige, hintayin mo siya rito. Sandali, sasabi..” Hindi pa nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Zanjo. Iniluwa nito ang babaeng si Milette, alam niyang iyon ang pangalan nito, business partner ito ng nobyo.

The Hardest BattleWhere stories live. Discover now