17 - The Job

21.1K 387 10
                                    

17

At dahil pagod ako sa kakapasyal, heto lang ang kinaya ko ngayon!

********************

“Sir?” Hindi makapaniwala si Dante sa narinig. Siya, pagbabakasyunin ni Sir Zanjo nang isang o hangang dalawang buwan? Bakit? Tatanggalin na ba siya nito sa trabaho?

“Oo, tama ang narinig mo.” Biyernes nang araw na yun at inaasahan niyang darating sa opisina niya si Jellaine sa Lunes, balak niya itong gawing secretary niya.

“Sir? Sir, sorry po kung may nagawa man akong mali, hindi nap o mauulit. Huwag nyo lang akong tanggalin sa trabaho, Sir! Parang-awa nyo na po.”

“Bakit naman kita tatanggalin?”

“Hindi nyo po ako tatanggalin?”

“Hindi, magpapahinga ka lang muna, hindi naman talaga totally na hindi ka na papasok, may oras lang ang pasok mo, o kung talagang kailangan lamang kita. Sandali lang naman. Huwag kang mag-alala, buong suweldo pa rin ang makukuha mo.”

Tulalang nakatingin sa kanya si Dante. Anong nangyayari sa boss niya? “Wala ka nang secretary, Sir?”

“Meron. Pansamantala lamang. Darating siya next week, I hope you can orient her properly.” Seryoso nitong sabi. Alam naman niyang kayang-kaya ni JEllaine ang magiging trabaho kung sakali dahil matalino at masipag ito.

“Sir, salamat po, basta Sir, hindi nyo po ako tatanggalin? Baka po mas magaling ang nakuha ninyong secretary, after a month wala na akong trabaho.”

“Hindi naman. Saka, hindi ko siya gagawing secretary habang buhay.”

Nagtataka man ay hindi na nagtanong si Dante, mahirap nang mapagalitan. Alam naman niya ang ugali ni Sir Zanjo, saka may isang salita ito. Nangako naman ito sa kanya na may trabaho pa rin siya.

Samantala, hindi makatulog si JEllaine, iniisip pa rin niya na Lunes na bukas at iyon ang huling araw nanag palugit ni Zanjo para sa utang niya. Alam niyang may plano na naman ito kaya siya ginigipit nang ganito, kung anuman yun, kailangang hindi siya magtagumpay. Pero kanino siya hihingi nang tulong? Wala siyang mauutangan. Hindi naman pupuwede kay Winsor dahil alam niyang pareho lang silang naghihikahos, o kay Gina dahil hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan pa ba niya ito. Mas lalong hindi kay Glake dahil alam niya ang magiging kapalit. Para lamang siyang kumuha nang bato na ipupukpok sa ulo niya.

Paano ba ito? Papaend na rin naman ang semester at alam niyang hindi siya dean’s lister this semester, ibig sabihin, doble o tripling kayod na naman siya. Kung may sisingil pa nang utang sa kanya, anon a ang mangyayari?

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon