25

19.3K 343 28
                                    

25

Medyo dadalang ang update, very busy ,as in sobrang busy ,too the highest level ang pagkabusy! BUSY! LOL!

*************************

Inis na tinignan ni Milette ang cell phone niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa mga loyal niyang employees sa opisinang iyon. Zanjo announced in public that he is already engaged! And worst, it is with JEllaine! Akal aba niya nawala na sa landas niya ang gagang yun! Ilang araw lang siyang nawala, pag balik niya nabago na ang lahat! She knew it, dapat kasi hindi siya pumayag na siya ang ipadala sa convention sa ibang bansa, at sana umuwi na rin siya agad at hindi na nagliwaliw pa para mag shopping.

“Ikaw naman Dante! Why did you keep it! Alam mo naman palang nagkakaigihan na sila, bakit hindi mo itinawag o itinext man lang sa akin ha!” Naghihisterya na ito.

Napakamot na lamang nang ulo si Dante. Akala niya kung nao na ang dahilan at ipinatawag siya ni Ma’am Milette, magtatanong lamang pala ito tungkol kina Sir Zanjo niya at Jellaine, malay ba niya sa nangyayari sa dalawa. Hindi naman niya akalain na engaged na pala sila, pati nga siya nahuli sa balita.

“Pasensiya na, Ma’am, wla kasi talaga akong alam, pinagbakasyon rin kasi ako ni Sir Zanjo eh.”

“Wala kang kuwenta! Lumayas ka nga sa harap ko!” Binato niya pa ito ng nadampot niyang paper weight, mabuti na lamang at nasara na nito ang pinto bago tumama. Napailing na lamang si Dante, sobrang in-love yata si Ma’am Milette niya kay Sir Zanjo, nakakatakot ang ganitong babae.

“Hindi ako makakapayag na ikasal kayong dalawa, bitch! Akin lang si Zanjo, walang ibang puwedeng umangkin sa kanya.” Nangigigil ito sag alit.

Naipagpasalamat ni Zanjo na wala si Milette sa business conference na pinuntahan nila ni jellaine, alam niyang may gusto sa kanya ang dalaga at masyado itong expressive sa feelings nito sa kanya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pinatulan niya ito noon. Lalaki siya, may pangangailangan, at itong si Milette, willing ibigay kung ano ang kailangan niya, but not now.  He wanted to be loyal to Jellaine, hindi niya sisirain at sasayangin ang chance na ibinigay nito sa kanya.

“What’s bothering you? Kinakabahan ka ba para sa presentation mo mamaya?” Bulong ni Jellaine sa kanya. Hindi pa naman nagsisismula ang meeting.

“hindi naman, nabobored kasi ako, gusto ko nang umalis.”

“Ano k aba, para kang hindi business man kung magsalita ah.” Asar ni jellaine sa kanya.

“Gusto ko kasing magdate tayo. Mas magandang gawin yun.”

Kung hindi lang nakatingin sa kanila ang ibang kasama ni Zanjo, binatukan na niya ito. Sobra pa kay Glake kung makahirit!

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon