8 - The Quiz

20K 308 14
                                    

8

Dumirecho ng hospital si Zanjo pagkatapos maihatid si Jellaine. Abot tenga ang ngiti niya, akala niya nga mahihirapan siya sa babae, hindi naman pala, isang halik lang bibigay na ito. Nung hinahalikan niya ito kanina, bakit pakiramdam niya siya ang unang halik nito? Base yun sa reaksiyon ng dalaga.  Gusto niya sanang itanong kaso pinigilan niya ang sarili, baka isang kasinungalingan na naman ang maisagot sa kanya.

And worst, bakit iba ang reaction ng katawan niya sa tuwing hinahalikan si Jellaine? Weird, tingin niya kailangan na muna niyang magpalabas ng init. Tinwagan niya si Millette, ito yung tipo ng babaeng isang text o tawag lang magkakandarapa na sa kanya.

Tukad nang inaasahan niya, naghihintay ito sa condo, maghihintay sa kanya, minsan nga kahit hindi niya sisiputin, maghihintay pa rin, ganun kabaliw ang babae sa kanya. SInilip na muna niya si Dionne, tulad nang mga nakaraang araw, wala pa ring pagbabago, ni hindi pa rin ito kumikilos, hindi nagigising, hindi gumagalaw. Nakakaawa dahil sa mga nakasaksak na tubo sa katawan niya. Kung makikita ba ni Jellaine ang kalagayan ng kaibigan niya ngayon, maaawa rin kaya siya? Magsisisi?

“Malapit na ang araw mo, babae.”

**********

With one thrust and he screamed. “Jellaine!”

Isang matinding sampal ang inabot niya mula kay Milette!

“F*ck you!” Itinulak nito si Zanjo.

“What the hell is your problem!”

“Kita mo na! Pagkatapos mong pumunta ng langit ay itatanong mo sa akin yan! Sino si JEllaine?”

“What do you mean?”

“Eh gago ka pala eh! Ako ang kasama mo sa kama, siya ang iniisip mo! Pangalan niya ang tinatawag mo!” Galit na galit ito. Tanggap na niya na maraming babae si Zanjo, pero unang beses ito na may ibang pangalan itong binabanggit habang siya ang kasama.

Matagal nang kilala ng ama niya si Zanjo, magkasama sila sa business world, mahal naman niya ang binata kaya nakakatagal siya rito, kahit pa nga ganun ito.

“Sino siya ha? May sineseryoso ka nang babae ngayon ha, Zanjo? Naiin love ka na ba?”

Tumawa ito. “Don’t crack jokes on me, Millette. Salamat. Aalis na ako.” Katulad ng madalas nitong gawin pagkatapos nila. Wala itong pakialam kung anuman ang mararamdaman niya, ganun ito ka heartless. PEro mukhang meron siyang dapat na alamin mula kay Zanjo, sino ang Jellaine na ito?

Samantala, kanina pa nakatingin si Jellaine sa luma niyang cellphone, wala namang text o tawag si Zanjo sa kanya. Akala nga niya agad itong tatawag katulad ng ginawa nito nung una siyang napunta sa kanila pero wala, ang mga text message at tawag lang kanina ang nandun. Madaling araw na at puyat na siya, di rin siya nakapag-aral kahit may quiz sila bukas, naiisip niya kasi ang binata at kung tama baa ng nangyayari. Ayaw naman niyang maunang magtext o tumawag rito, siyempre no, nakakahiya.

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon