20 The Friend's Visit

20.2K 347 16
                                    

20

Zanjo stopped working. Tinignan niya ang pintong nilabasan ni Jellaine. Bakit siya nasasaktan? Mali ba na pinilit niyang magtrabaho sa kanya si Jellaine? Mas lalo ba itong namumuhi sa kanya? Tama ba ang sinabi nito na dapat na niya itong pakawalan?

Siguro nga. Pero hindi pa sila okay.

Perhaps she needed more time. Baka bukas magiging okay na sila. Sana.

************

As usual, nagmamadali na naman si JEllaine, tinignan niya ang relo niya, malalate siya nito papunta sa opisina ni Zanjo, at isang minutong late ay equivalent sa isang araw! Nagtaxi na siya, kahit may kamahalan eh sige na kesa naman mahuli nang isang minuto.  Sa sobrang pagmamadali ay muntink na siyang mapagsarhan nang elevator. Mabuti na lamang at mabait ang kaisa-isang sakay nito. Habang nasa loob ay kinuha niya ang suklay niya sa loob nang bag. Ni hindi na nga pala siya nakapag lipstick man lang.

Pareho pa pala sila nang floor nang kasabay niya. Parang pamilyar ito. Ngumiti ito sa kanya, hindi niya matandaan saan ba niya ito nakita kaya ngumiti na lamang siya. Hindi naman siya suplada, saka mukha namang mabait ang lalaki, mukhang happy ang aura. Nakahinga siya nang maluwag nung tignan ang relo, may dalawang minuto pa siyang natitira. Salamat naman!

“Hi. Do you remember me?”  Sabi nito sa kanya, mukha yatang sa iisang lugar lang ang punta nila.

“You look familiar but I can’t remember you, sorry.”

“I’m Dionne, Zanjo’s friend. I saw you at the hospital. I can’t forget your face, specially your name.” Alam niyang nagbibiro ito.

Kaya pala, kaya pala napaka pamilyar nito sa kanya. Ibang-iba na kasi ang hitsura nito, medyo nagkalaman, unlike nung nakita niya sa hospital.

“Nice to see you, Dionne.”

“Kay Zanjo ba ang punta mo?”

“Yes.”

Nagulat si Zanjo nung makita niyang masayang nagkukuwentuhan sina JEllaine at Dionne. Matagal na kasi niyang hindi nakikita ang mga ngiting yun. Bakit sa iba ang dali para sa kanya na ibigay?

“Zanjo, Pare. I saw JEllaine na halos liparin ang opisina mo.”

“Sobra ka naman. Mahirap kasing ma late.”

“Ma late? You mean, nagtatrabaho ka rito?” GUlat na gulat ito. Akala niya kasi ay nobya ito nang kaibigan niya.

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon