6 The Number

21K 325 11
                                    

6

Narating nila ang isang maliit na bahay na puno ng halaman. Simpleng yari sa light materials na typical na bahay sa lugar na yun.

“Pasok ka.”

Naabutan nilang nagbabalot ng mani ang nanay ni Jellaine.  “May bisita ka pala anak.” Nakangiting sabi nito. Bibihira kasing magdala ng kaibigan ang anak niya, lalo na kung lalaki. Ang huling dinala nito ay si Glake na tingin niya ay seryoso naman sa anak niya, at yung baklang kaibigan nito na si Winsor.

“Magandang gabi po, Ma’am.” Bati ni Zanjo. He was looking at her mom. Mukhang mabait ito. Alam kaya niya ang pinaggagagawa ng anak? Nakakaawa naman. Inilibot niya ang mga mata sa paligid, typical na bahay, isang lumang T.V., lumang refrigerator, hindi naman bago ang inuupuan niya. Kung ganun, saan nito dinadala ang perang nahihingi niya sa mga lalaki niya?

Hindi kaya lulong ito sa droga? Wala naman sa itsura nito.

“Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko, Zanjo?”

“Po? Hindi naman po, kamakailan lamang po. Nakuha niya lang yung atensiyon ko. Gusto ko lang po siyang makilala ng lubusan.” Totoo naman yun, gusto niya talagang makilala ng lubusan ang dalaga, at maipadama rito ang nadarama ng kaibigan niya ngayon. He wants her to suffer, deep in pain. He wanted her to feel lonely and frustrated too.

“Ano naman ang intensiyon mo ng pagpunta rito, Iho?” Straight na tanong ng ina ni Jellaine.

“Pasensiya nap o kayo kung medyo nabibilisan po kayo sa pangyayari, gusto ko lang po talagang makilala ng lubusan ang anak nyo. Wala po akong masamang intensiyon.” Ewan pero kinabahan siya nung sabihin niya iyon. Ina ang kaharap niya, at malamang malakas ang pakiramdam nito kung anuman ang masamang binabalak niya.

“Ganun ba.” Seryoso pa rin ito. “Alam mo naman siguro na nag-aaral pa ang aking anak, hindi ba? Gusto niyang makapagtapos, may pangarap siyang gusto niyang matupad, sana mahihintay mong abutin niya iyon.”

Damn!

“O-opo. Naiintindihan ko  po.”

“Nanay! Baka tinatakot mo na ang bisita ko ha.” Binigyan nito ng meryenda si Zanjo.

“hindi naman, Jellaine. Sinasabi ko lang na gusto kong maabot mo ang mga pangarap mo, na gusto kong makapagtapos ka. Kung may balak siyang manligaw sayo, mag-iisip siya, hindi ba, Zanjo?”

Ngumiti ang binata. “Opo.”

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon