16 The Offer

20.9K 338 11
                                    

16

Life must go on. Wala naman siyang magagawa, sa ngayon, ang tanging problema niya ay ang utang niya rito at ang mga tagilid niyang grades. In fact. Nasa office siya nang program head nila. Napatayo siya nung lumabas yung isa niyang professor.

“I’m sorry, Jellaine, talagang hindi aabot ang grades mo. We know that you are maintaining a grade, pero talagang hindi natin magagawan nang paraan.” Prangkang sabi nito sa kanya.

Inaasahan na niya ito. Ano naman ang magagawa niya, alam naman niyang nagkulang siya. Kung maglulupasay ba siya ngayon, maibabalik bas a dati ang lahat?

“Naintindihan ko po, Sir. Salamat po.”

Paano niya sasabihin sa Nanay niya ang lahat? Nahihiya siya rito pati na rin sa sarili niya. Nakasalubong niya si Glake at Winsor. Lately, masyadong nagpapapansin si Glake sa kanya, kapal lang talaga nang mukha. Pero wala siyang panahon para rito. Deadma na lang, di rin naman ito tatablan.

“Ano na?”

“As I expected.” Tanggap na naman niya. Hindi lang naman yun ang sukatan nang lahat, although it would be a great help sana. Marami pa siyang puwedeng I prove sa sarili niya.

“Girl, okay ka lang?”

“Oo naman.” Lately natuto na siyang magmatigas, maging matigas, at pigilan ang emosyon lalo na sa harap nang ibang tao.

“Are you sure?” Nag-aalalang tanong ni Glake sa kanya. Hilaw na ngiti lamang ang isinukli niya sa manliligaw.

“Kumain na lang tayo.” Si Winsor.

“O sige, libre ko.” Si Glake.

Sa malapit na lamang sila kumain, mahirap naman kasi na lalayo pa sila sa university, may huling klase pa sila.

Tanaw na tanaw ni Zanjo si Jellaine kasama nang kaibigan nito, pero bakit may kasama itong iba? Alam niyang magkasama sila dahil dala nito ang ibang gamit ni Jellaine. Sino ito? Nakita niya nung ngumiti ito sa lalaki?

Bakit parang ayaw niyang nginingitian nito ang iba? Papalapit na ito sa kinaroroonan niya nung makita niyang biglang huminto ang tatlo. Sinadya niyang ibang kotse ang dadalhin para hindi siya nito mapansin at hindi siya iiwasan.

Nagsalubong ang mga kilay niya nung biglang ibinigay nung lalaki ang gamit ni Jellaine kay Winsor at lumapit ito sa dalaga. Hinawi pa nito ang buhok niya sa mukha at biglang yumuko.

The Hardest BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon