HCTS 38 - #Big

Magsimula sa umpisa
                                    

Umigting ang panga ko. Napalunok ako bago tumango kahit hindi niya nakikita. "I'll make sure of that. Thank you again for trusting me again, Papa. I will never leave her again," I said sincerely.

"Naniniwala ako sa'yo dahil ganyan din ang linya ni Luke nung iwan niya si Jemi. Kausapin mo Dad mo, uuwi din daw sila, sabay na kaming lahat sa susunod na buwan," sabi niya.

What the fuck? My family are going home? Damn it!

Kirt's POV

One week had passed, lumipat na kami sa condo unit ni Dewlon. At nagmistulang, live in na kaming dalawa. Hindi ko nga alam kung kami naba o hindi pa eh!

But, we need to be careful dahil kahit nasa Cebu ako ngayon marami paring paparazzi. Tsyaka kasalanan ko naman kasi, e! Hindi naman kasi nila malalaman na nandito ako sa Cebu kung di ako nakita ng fans. Haaay!

At gaya nga ng sinabi ko, nang makita nila ako sa Mall, kumalat kaagad sa internet kaya ayon, tumawag nanaman si Manager nung nakaraan.

She also said that Akiro accepted to partner up with Mariela Lopiel in a serye. Marami kasi talagang offer kay Akiro. Tama naman talaga kasi ang sabi ni Manager Lim. Sumikat lang ako ng dahil kay Akiro.

Hindi naman daw talaga kami bagay. But the way we act kapag shooting, akala ko noon, kapag nag-a-acting kami ng mga heart to heart scenes ako lang ay may totoong feelings, yun pala pareho kami.

And then I thought, paano pala kung nagtapat sakin si Akiro noon pa? Sigurado akong sasagutin ko siya dahil ano pa ang hahanapin ng isang babae sa kaniya? He got it all.

Apart of me, thank that late na siyang nagtapat sakin because I don't know what will I do. My heart is obviously choosing Dewlon. I feel so much love when I'm with him.

Magkatabi kami ni Dewlon sa kama for just last night. Hindi naman kami madalas nagtatabi. Nag-movie marathon kami kagabi sa kwarto niya kaya nakatulog nako dito.

Tulog pa si Dewlon. Nakasando lang siyang itim and heck his biceps are so beautiful! Grabe! Ang sarap pisilin!

Tiniis kong wag pisilin ang nakakabusog niyang biceps dahil baka makurot ko ng bongga at magising. Hindi ko siya malulutuan kasi siya nalang palagi ang nagluluto.

Excited akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kusina. Ipagluluto ko siya ng specialty ko! Ang pansit!

Tahimik kong ginawa ang kailangan kong gawin. I boiled some eggs for my pansit kasi sure akong masarap kapag may boiled egg. Walang basagan ng trip!

I brewed the coffee and toast some bread. Mas masarap sana kung garlic bread to.

Napapalakpak ako ng matapos na ako! Pinagmasdan ko ang kusina at wala namang nasira oh ano. Nakakalat lang ang plastic ng pancit canton! Agad ko itong tinapon sa basurahan. Baka mabuking pa 'ko!

Habang hinihiwa ko ang boiled egg sa sink ay halos mapatalon ako ng may pumulupot na kamay sa bewang ko mula sa likod. When he placed his head in my left shoulder alam ko na kung sino.

"Good morning," I greeted happily.

Hinalikan niya ako sa pisnge, "Good morning, baby. What are you cooking?" tanong niya. At grabe, ang boses sobrang HOT! Shit!

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon