"Yup"     "Yeah, its true"   "Really"     sabay na sabi ng mga alipores nya. Kung anu ano ang pinagsasabi nila pero hindi nalang namin

"Excuse me"  napalingon na naman ako ng may nagsalita. Sino na naman yon? Tumingin ako sa paligid ko, mukhang ako lang ang nakakarinig. Mahina lang kase yung boses nung nagsalita.

"Excuse me"   sabi na naman pero halata na yung inis sa boses nya. Sino ba kasi yon? *pout* hindi naman siguro multo diba? D-diba??

Tatayo na sana ako ng biglang may nabasag na kung ano sa harap ng room namin. Gulat na tumingin sa harapan yung mga kaklasi namin

"Kailangan ko lang palang magbasag para lang tumigil kayo"

Malamig na sabi nya. Hindi ko makita kung sino sya dahil nakaharang parin ang mga kaklasi naming babae. Wala paring nagsasalita samin, siguro dahil narin sa gulat. Para silang langgam na nahati sa sa magkabilang dulo na parang binibigyan ng daan yung nagsalita. Una kong nakita ay yung basag na vase sa harap. Nagkalat yung  mga piraso sa sahig. Bigla tuloy akong naawa sa mga maglilinis ng room, baka bigla silang mabubog.

Nang mapatingin na ako sa babae, nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman ko. Nakatayo sya sa harap at masamang nakatingin samin.  Mukhang galit sya samin pero hindi ko parin maiwasang magandahan sa kanya. Napatingin ako sa gawi nila Clyde. Katabi ko si Clyde na katabi si Sky na nakatingin narin sa babae, hindi ko mabasa kung anong iniisip nilang dalawa.

"Oh look who's here, what are you doing here, bianca? Making some scene again? Tsk, hindi ka nila mapapansin sa kakaganyan mo. Like duhh, wala namang kapansin- pansin sayo"  maarteng sabi ni Stella

"Alam kong tanga ka Stella, pero huwag mo namang ipahalata. Im here to study so get your f*cking @ss off of my chair"  sabi nya kay Stella na nakaupo sa armrest ng upuan sa harapan ni Sky.

"What if I wont, what will you do to me?"

"Maybe I can kick my own chair so you will fall off to the ground with your F*cking @ss"  bago pa makapag salita si Stella ay nasipa na ni Bianca yung upuan kaya ang ending, napasalampak si Stella sa sahig.

"Ouch, huhu my butt hurts"

"Serve's you right" nakangising sabi ni Bianca

"Argh, I hate you bitch"

"Dont worry Stella, the feeling is mutual"   tsaka nya tinayo ang upuan nya. Natumba kasi yon ng sinipa nya para mahulog si Stella. Pagkatapos ay umupo narin sya

"Ang cool mo talaga Bianxx, haha astig"   sabi nung babaeng nakaupo sa tabi nya

"Good morning"  sabi naman nung isa.  Ngumiti lang sya sa kanila.

Napangiti rin ako. It's so good to see  her again. After 3 years. Finally....

Ms. Bianca Smith

*Third Person*

Nakaupo lang ako habang tahimik syang pinagmamasdan. Ang laki ng pinagbago nya, mas lalo syang gumanda. Nakaramdam ako ng takot, dahil panigurado mas dumami ang karibal ko ngayon. Ilang taon rin ang ginugol namin para lang mahanap sya, hindi madali yon lalo na kung may humahadlang sayo para hindi mo sya makita.

Pinapanood ko lang sya habang nakikipag-away. Sa paraan ng pananalita nya ngayon, yung kilos nya, yung ugaling pinapakita nya. Bakit parang nagbago lahat? Ipinangako ko sa sarili ko na sa oras na makita ko sya, gagawin kona kung ano ang bagay na gustung gusto kpng gawin na hindi ko nagawa noon. Gagawa ako ng paraan para maalala nya ako, kahit pa kailangan kong ibalik kung sino ako noong hindi pa sya dumating sa buhay ko. Kaya kong baguhin ang sarili ko, maalala nya lang ako. Gagawin ko ang lahat para mahalin nya rin ulit ako.

Pero ngayong nasa harapan ko na sya, bigla akong nablangko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mga pinaplano ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para matupad lahat  ng iyon. Pagdating sa kanya, napakadali akong masaktan. Sya ang lakas ko, pero sya rin ang kahinaan ko. Nakita ko syang ngumiti ng binati sya ng mga kasama nya, napangiti rin ako. Sya kasi yung tipo ng tao na kapag ngumiti, mapapangiti karin. Sa mga ngiting yan ako nahulog sa kanya. Ang tagal kong hindi nakita ang ngiting yan.

Daglian kong inalis ang ngiti sa mga labi ko ng tumingin sya sakin. Tumingin din ako sa kanya ng seryoso, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Sa simpleng titig nya, nagagawa nyang pabilisin ang tibok ng puso ko. Alam kong corny yon, pero yun talaga ang nararamdaman ko. Ilang minuto rin kaming nagtitigan. Pinagtaasan ko sya ng isang kilay, kailangan na nyang tumigil bago pa ako makagawa ng bagay na ikakagulat nya. Pinag taasan nya rin ako ng kilat at umirap. Napabuntong hininga nalang ako at malungkot na ngumiti. Kahit konti ba, wala kang naaalala tungkol sakin?

Sa ngayon, kailangan ko munang magtiis. Hihintayin ko yung panahon na mamahalin mo rin ako. Alam kong kasakiman ang ginagawa ko, pero wala akong pakialam. Gagawin ko ang lahat, maging akin ka lang. Pero sa ngayon, kailangan ko munang magplano para matupad iyon. Alam kong mahihirapan ako pero para sa kanya. Gagawin ko, kailangan kong bilisan bago pa sya dumating.

The Badboy's Rule (ON-HOLD)Where stories live. Discover now