Chapter 28 || The Boss

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko alam e" sagot ng katrabaho


"Osige pupunta na ako salamat" sabi ni Karylle sa katrabaho.

Nagayos si Karylle ng kanyang sarili bago sya dumeretso papunta sa office ni Ms Euform,at habang naglalakad nakaramdam si Karylle ng biglang kaba sa kanyang dibdib, naisip nya na paniguradong pinatawag sya nito dahil sa tagpong naganap sa kanila ni Ms Euform na inakala nyang isa lang sa mga naligaw na matanda sa kanilang pinagtatrabahuhan. Nang makarating sa tapat ng pintuan ng opisina ay huminga na muna sya ng malalim bago kumatok.


"Come in!" sabi ng isang tinig na nagmumula sa loob ng kwarto





"Goodmorning po mam, pinapatawag nyo raw po ako?" magalang na sabi ni Karylle.





"yes, what's your name again?" tanong ng matandang dalaga.





"Karylle Tatlonghari po" magalang parin nyang sagot



"So let me introduce myself to you, I am Eufemia D. Monyita, the owner of this company." Formal na pagpapakilala ni Ms Monyita

"Okay Ms. Tatlonghari, I know ngayon mo lang ako nakilala at hindi mo sinasadya yung nangyari kanina right?" sabi ng matanda





"opo mam sorry po hindi ko po talaga alam" sabi ni Karylle





"I know, pero bilang empleyado dito sa company ko... you should know all the people who works here, from those who are in the lowest position up to the highest which is me," seryosong pahayag ng matanda habang si Karylle nakaramdam na ng mas matinding kaba sa sarili dahil naisip nya na baka masisante sya nito dahil sa nangyari.





"Yes mam" maikling sabi ni Karylle





"Sa tingin mo? ano ang pwedeng maging consequence mo dahil sa naging behavior mo kanina?"tanong ng matanda na nakahalukipkip.





"You may fire me if you want to, pero mam sana wag naman po" sagot ni Karylle at napayuko





"No I won't do that"sabi ng matanda, kaya naman biglang napatingin si Karylle sa kanyang boss.





"Thank you mam!" masayang sabi ni Karylle





"Pero I have one request," sabi ng matanda sa dalaga.





"Ano po yun mam, kahit ano po"sabi ni Karylle





"I want you to be my personal secretary" sabi ng matanda sa kanya, napangiti naman si Karylle dahil naisip nya na baka mas maging malaki ang sweldo nya, kaya tinanggap naman nya agad ang offer ng boss nya.





"Okay po mam,! wala pong problema.. I will be your personal secretary, kailan po ako mag uumpisa?" mayabang na sagot ni Karylle sa matanda





"Now" tipid na sagot ng boss





"Okay Game!" palaban na sagot ni Karylle





Loved Your MusicWhere stories live. Discover now