TIPS PARA MAPANSIN NI CRUSH BTS VERSION.

2.1K 61 14
                                    

TIPS PARA MAPANSIN NI CRUSH BTS VERSION.

RAPMON SAYS#1 Maging masipag sa klase... So all in all wag puro lande! Nakakahiya ka naman kung puro lande at crush diba?! Matutong naghinatay! Malay mo mapansin ka Kasi imbis na coloring face ang hawak mo e mga ballpen at libro naisip niya na 'masipag' kuno ka!

JIN SAYS#2 Wag gahamand sa pang-iistalk sa fb Ni krass... Baka mamaya niyan e sa sobrang pang-iistalk mo e makarating at malike mo pa sa pinaka una niyang profile picture taken 4 years ago na labas pa ang uhog! Matutong magtipid may bukas pa!

SUGA SAYS#3 Pag mag-la-like ka sa post niya siguraduhin mo'ng tapos na mag-like yung iba niya pa'ng fans... Di yung nakikisabay ka pa ang landi neto! Di makapag intay kahit 2 hours! Hampasin kitang tabo e! Kailangan Kasi di peak season para mapansin ka niya di'ba?! Di yung nakikipag uanahan ka kala mo mauubusan ng like button e!

J-HOPE SAYS#4 Kung sadyang makulit ka at nasa lahi mo ang pagiging papansin at kinakailangan mo pa talaga dumaan daan sa tapat ng room niya wag mo na lang sana araw-arawin at maya't mayain na tipong t'wing uwian, pasukan, at break time e dinadaanan mo na at talagang sisigwa ka pa at mag iinanarte sa tapat ng room niya na kulang na lang e ilabas mo ang panty mo at iwagayway! Tangna bes! Kung dadaan ka wag malaswa baka pandirihan ka! Be classy Pag dadaan yung mukhang kagalang-galang

JIMIN SAYS#5 Be simple, never wear skimpy clothes. Hindi mo naman siguro gusto makuha ang pagnanasa niya kaya wag mo akiten! Magsaing ka muna! Mahal ang bigas! Crush crush tapos papakitaan no na cleavage! Lul ka rin e!

JUNGKOOK SAYS#6 Pag i-cha-chat mo siya siguraduhin mo'ng Hindi "hi kamusta ka?" Ang tanong mo Kasi kahit magpustahan pa tayo isang ice cold na "okay lang" ang isasagot niya sayo! Be optimistic at mag isip ka ng topic na Interesado siya... Paniwalain mo'ng hinde "hahaha" ang mga dapat niya isagot sayo.

V SAYS#7 Kung mag-co-comment ka man sa mga post and status niya siguraduhin mong may sense... Wag yung 'babe uwi kana di na Ako galet' baka nga di ka galit siya naman magalit sayo, worst isipin niya na fakarat ka! kung mag co-comment ka yung pinost niya ang sabihan mo di yung pagkain ang pinost niya tapos ang sabi mo "ang sarap mo naman" wag Ako ha! Wag Ako! Yung mga sapatos at bago niyang hair cut ang bigyan pansin mo.

RAPMON SAYS#8 Magpa-mysterious effect ka. Do something na tatak sa kanya at magpapaisip ng matindi sa utak niyang wala naman laman Ewan ko ba anong nagustuhan mo diyan. Yung tipong susulpot ka bigla at sasabihan siya ng weired eklalbu tapos iiwan mo. Para mapaisip siya at maging interesting ka sa paningin niya.

JIN SAYS#9 Wag kang pampam, wag mo na gayahin yung iba niyang fans na akala mo kinikiliti sa singit kung maka hiyaw at maka sigaw to the point naipagsigawan na yung "koya krass kita!" At papatulong pa talaga sa kabigan na maitulak siya para masubsob sa krass niya... Maya niyan e maitulak ka nga tapos wala na siya don masubsob ka pa sa kanal. Pahiya ka pa! Pa demure ka naman ng konti at kunwari Maria Clara effect.

J-HOPE SAYS#10 Ipakita mo sa kanya ang talent mo. Not in a way na magmumukhang papansin, kung kinakailangan i-real talk ka masasabi ko na kailangan mo munang itago ang kalandian mo at gayahin ang mga pa Innocent bitch na Nasa loob ang kulo.

SUGA SAYS#11 Show some efforts... Pakita mo na di mo siya kakausapin lang Pag bored ka na. Show some care, care ah! CARE! baka mamaya ipakita mo sa kanya yung PH care mo! As in care lang! Di ko sinabing maging clingy ka! Show some respect kahit sa sarili mo lang.

JIMIN SAYS#12 Kung di ka pa rin pinapansin aba! Daanin mo na sa karahasan! Wag siyang pabebe! Baka di ko siya matansya susukatin ko siya. Kuha ka ng bato... Bato mo sa kanya, kumuha ka na rin ng planggana Pag di ka pa rin pinansin yun ang ibato mo! Tiyak di ka lang niyan papansinin hahabulin ka pa! With matching batok! Pag tinanong kung bakit mo siya binato... Sabihin mo "sinusubukan ko lang kung sasaluhin mo para kung sakali na ibabato ko rin ang sarili ko sayo malalalaman ko kung sasaluhin mo rin ako" o diba, boom panes siya!

JUNGKOOK SAYS#13 Pag wa-epek pa rin talaga uso na ang sumuko... Kuha ka na lang kahoy sulat mo feelings mo hamapas mo sa kanya para Dama niya tapos chat mo mamaya sa fb sabihin mo "Krass na krass kita koya! Aylabyu! Pakyu! tangnamo! Goodbye!" Tapos block mo unfriend mo, kalimutan mo na siya di ka naman niyan kilala e! Magsaing ka na lang para may pagkain kayo sa bahay at di kapa maratatat ng Nanay mo!

V SAYS:
↪P.S.-- Walang sahod ang tanga kaya tumigil ka na!
Sa una ka lang naman masaktan e, bukas malandi ka na ulit.

Nagmamahal,
ang gasul.

D a r k - Z 1 7💘

-Z


ANONG TIPS ANG SUSUNDIN MO?

BTS Tagalog RandomnessМесто, где живут истории. Откройте их для себя