The things I do for her

Magsimula sa umpisa
                                    

Umalpas siya sa yakap ko at tiningnan ako. "Eh bakit ka badtrip?"

I sighed. "Makakasama natin sa PROM ang Friendster High"

"O? Edi ibig sabihin non..Si..Ma.--"

"Oo, si Matt. Yung kapatid ko at ang kampo  niya ng kadiliman. Makakasama natin sila"

Pinisil niya yung ilong ko pagkatapos ay kiniss ako sa ilong. "Sus! Ikaw naman, kala ko kung ano na. Kala ko sakin ka galit. Ang OA mo talaga magalit, Mark" 

Bumalik na siya sa pwesto niya at napailing ako. She doesn't understand the harm of Matt's group. Inistart ko na ulit yung kotse.

"Ayoko lang ng gulo. Ayoko ng kahit ano pa. I just want a normal Prom. Normal lang"

"Hayaan mo na sila, Tutee"

I nodded in response. Di ko talaga trip magsalita kapag ganitong bad-trip ako. Di nagtagal, nakarating na rin kami sa bahay nila. Inihatid ko kasi siya. Oo nga pala, alam na ng Tatay niya na kami na ulit. Well, alam lang. Hindi ko ALAM kung okay siya doon. 

"Babe?" Lumingon siya sakin pagkalabas niya ng kotse. 

"Yes?"

"I'll text you later ha? May pupuntahan tayo. Basta be ready. Okay?"

"Sure" She smiled and I started the car. 

Excited na ako sa mangyayari mamaya. Sabihin na natin na hindi naman ako magpapahuli sa mga pakulo ng mga schoolmates ko sa school. Gusto ko maranasan din naman yon ni Pandee. Dumiretso ako sa isang inupahan ko na lugar para sa aming dalawa. Pagkarating ko ay napalingon ako sa paligid. 

Dito ko balak gawin ang surprise ko. Sa isang kubo na kung titingnan sa labas ay pangit at gus-gusin pero nagkakamali kayo don. Maganda ito papasok. 

Ito na talaga ang Diskarte ko ulit. 

-

"Malapit ka na ba Pandee?"

"Oo, medyo malapit na"

"Sige mag-iingat ka"

Pagkababa ko ng tawag ay may narinig akong kaluskos. Hala, madilim pa naman =_______= Inabot na kasi ako ng gabi kakaayos nitong lugar na ito. May mga katulong naman ako pero syempre, idea ko to kaya dapat ako rin gumawa. Narito ako sa labas ng kubo. 

"Psst"

O______________________O

Wala akong narinig. Huhu.

"Mark?"

Kilala ko yang boses na yan. Lumingon ako sa kung saan nagmumula ang boses na iyon at nakita ko ang isang magandang babae na papalapit sakin. Nakangiti siya at teka, saan galing to?

"K-Karen?" She nodded as she gets closer.

"I'm glad you remember me"

Tiningnan ko siya mabuti. Anong pakay niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako?

Tanda niyo pa ba siya? Kaunting FLASHBACK tayo. Siya yung babaeng binato ni Pandee ng bola noong naglalaro kami sa Arcade noong panahon na HINDI PA KAMI at magkaaway pa kami ni Pandee. Tanda niyo pa ba? Isa rin siya sa mga ex ko. Naging girlfriend ko siya pagkatapos ng PROM yata yon? Di ko na rin tanda. 

Pero isa lang natatandaan ko, minahal ko to. 

Pero di kagaya ng pagmamahal ko kay Pandee. 

She's O.B.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon