Chapter 26: People in the Past

8 1 0
                                    

Rina's POV

"Rina, bat ansaya mo ata? Sino yun? Kanina galit tas bigla kang ngingiti" tanong ni Ren

"hala ka Ren, pinagpalit ka na nya XD" takot ni Josh

"baliw! Di ako pagpapalit ni RinRin ko!" tumingin sa kin si Ren "di ba?"

"ewan ko" tawa lang sila "anyway, si Yui yun yung best friend ko. Magkita daw kami mamayang 4pm sa A university."

"ah...teka bat Carcar yung tawag mo sa kanya kung Yui ang pangalan nya?"

"wala lang trip lang XD kasi RinRin ang tawag nya sa kin, pang- asar , so gumawa ako ng sarili kong pang asar inuulit ko rin yung 1st syllable ng first name nya"

"ganun?pero diba japanese sya? Bat 2 names?" tanong ni Josh

"Well speaking of names, bakit pala Carmela ang tawag sayo sa university nyo?" biglang napatingin ng seryoso sa kin si Chris pagkasabi ni Ren ang pangalang Carmela.

"wait ikaw si Carmela?"-Josh

"well yeah... I'm Carmela Haruno in A university but my real name is Rina Shimizu. Pinalitan ko lang yung pangalan ko."

"eh kaya pala di mo nahanap eh" sabi ni Josh kay Ren.

"pero bakit kelangan mong palitan yung pangalan mo? And Haruno... diba yun yung--"

"yeah, my mother's surname. Well syempre, nag-iisa akong anak ng Shimizu Company so oto-sama asked me to change my name para di ako targetin ng mga kalaban nya sa business... "

"ah... hindi kaya nagpalit din sya?" mahinang sabi ni Chris, pagkatingin ko sa kanya, mukha syang binaksakan ng pader kaya di ko napigilang natawa. Napatingin lang sila sa kin, parang sinasabing, baliw na ata si Rina.

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha yung phone ko, dinayal ko yung no. ni Yui... may klase na ba sya? Antagal sagutin eh.

"Rina, sinong tinatawagan---"

"wait" ah, sumagot na sya "Yui, may klase kana?"

"oo. Buti nalang nung tumawag ka nasa CR ako kung hindi baka nagalit yung prof, di ko pala nasilent yung phone ko."

"sabi kasing wag mo nang tanggalin yung pagkasilent eh"

"so, bat ka napatawag? Mamaya ah."

"yun nga eh. Di ako makakapunta."

"what?"

"May bibigay kasi dapat ako sayo, kaso May emergency so I need to go home early. Pero may pupunta dyan. Yung friend ni Ren, si C.M Hintayin mo nalang sya sa gate ng A university. well, sensya na talaga, ba bye..."

"eh chotto--" pinatay ko na. mukang nabigla yung tatlo.

"Rina anung emergency ang sinasabi mo? At sino yung pupunta dun?" tanong ni Ren

"hindi ba obvious? C.M. Eh di yung lalaking nagngangalang Christian Milan." sabay ngiti.

"teka bat ako?" gulat na gulat na sabi ni Chris.

"naku naku, kala ko gets mo na nung sinabi kong Yui ang pangalan nya at Carcar ang nickname nya. curious ka kung bakit Carmela yung ginamit ko di ba? Well that girl is the reason. Pinagamit nya sa kin yung pangalan nya dahil ayaw nya yung pangalan na yun kaya yung second name lang yung ginagamit nya at yung surname nya . Pero kahit tanggalin nya yun, sya pa rin yun."

"Rina naalala ko... yung bestfriend mo di ba... kapatid ni Mr. Hikari? " tanong ni Ren na lalong ikinagulat si Chris.

"So yung best friend mo yung--" - Josh

"oo, si Carmela Yui Hikari, ang kababata nya :)"

Ren's POV

Andito kami ngayon sa supermarket malapit sa bahay nila nanay Mila. Dumeretso na kami dito after naming samahan si Chris sa A university.

Grabe nagulat ako dun. Well masaya ako para sa bestfriend ko dahil makikita na nya yung babaeng mahal nya.

"ano ba masarap na kainin mamaya? Parang gusto ko ng sinigang pero gusto ko rin ng menudo. Menudo na nga lang" antagal nyang mamili. 1hr na kami dito at ngayon lang sya nakapagdecide. "oo nga pala, ano pala yung pinag usapan nyo ni Loraine?" napatahimik ako. Nagbuntong hinga sya. "di kita pipilitin kung ayaw mo." tapos naglakad sya papalayo.

Haist... bakit ba di ko masabi sa kanya?

Sa pag-iisip ko hindi ko napansin na huminto sya sa paglalakad. Buti nalang nakahinto ako bago ko sya mabangga ng cart. "Rina, wag ka namang huminto ng biglaan"

Hindi sya umiimik. Tinulak ko yung cart papunta sa tabi nya. "okay ka lang ba?" pagkatingin ko sa kanya, nakatingin sya sa harapan nya, mukang gulat. Tumingin ako sa direksyon kung san sya nakatingin.

May isang lalaking nakatayo sa canned goods section, matangkad sya at mukang japanese at nasa 50+ na siguro sya. Pagkatingin ko ng mabuti... parang pamilyar ang mukha nya... teka, diba yun yung dating driver nila Rina? Bakit sya andito sa pilipinas.

Tumingin ako kay Rina at tinapik sya na nagsanhi ng pagkagulat nya "okay ka--"

"alika na"naglakad na sya papuntang counter.

Pagkatapos naming bayaran yung binili namin, nagmamadali syang lumabas ng supermarket. "bakit ka ba nagmamadali?" pero di nya ko pinansin at nagmadali paring maglakad hanggang may nagsalitang babae sa likod namin...

"R-Rina? I-ikaw ba yan?" biglang napatigil si Rina pero di sya lumingod. Tinignan ko kung sino.

Hindi ko ganung makita yung mukha nya kasi medyo malayo sya sa min pero siguro nasa 50's na sya. Paunti unti syang lumapit sa min. hindi pa rin lumilingon si Rina. Nang medyo malapit na sya sa min, di ako makapaniwala...

andito sya... si...

"R-Rina anak, ikaw ba yan? "

Si tita Eri..

-------

A/N: hi guys, haha sorry ngayon lang ulit nag update. naging busy lang kasi ako dis past months. birthday, OJT, Exams, Requirements and Clearance. at nagbabakasyon nga pala ako ngayon dito sa Japan kaya pati utak ko nasa bakasyon haha sorry XD nyways, i'll post chapter26-30. maybe next week i'll post again bago magpasukan. nga pala pinost ko na rin yung 2nd story ko. sana suportahan nyo rin ito. ang title nya is "My Unrealistic Dream" si Yui Hikari yung bida. thank you and enjoy reading c: (pagpasensyahan nyu nalang po grammar ko XD) -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now