Chapter 16: Nakalimutan Daw

26 1 1
                                    

Rina's POV

Nakaupo ako sa front seat ng kotse. Si Ren yun nagdadrive.

Masaya ako nung nakita ko ulit sya sa bahay pero nung nalaman ko na sya yung papakasalan ko, hindi ko lam kung matutuwa ba ko o maiinis. Magiging asawa ko tong maingay at nakakairitang lalaking ito at engage na kami ngayon?

"Hay , why do I have to be stuck with you?" sabi ko kay Ren habang nakatingin ako sa bintana. Papunta na kaming nara hometown ko and sad to say hometown din nya kaya sabay na kami. Haist.

"do you really hate me that much baby?"

Uminit ulo ko, kapal ng muka nyang tawagin akong baby. Bigla ko syang tinignan ng masama at napasigaw "wag mo kong tawagin ng ganyan dahil wala kang karapatan!"

"but I'm your fiancé"

"so? Di pa kita kinikilalang fiancé ko"

Tas ngumiti sya "grabe, biro lang ikaw naman, pero ang ganda mo pa rin kahit galit ka."

O//////O nung nangyayari sakin?

"o, natahimik ka? At bat ka namumula? " tas bigla syang ngumiti ng nakakaasar. "naiinlove ka na nga ba sa kin?"

EHHHH!!! Kung di lang sya nagdadrive, Sasakalin ko to! Tumingin nalang ako sa bintana...

Rina, kalma... at umayos ka nga!

Nagagalit ka tapos kinikilig ka? Ano ka ba? Mamahalin mo na ba talaga tong siraulong to?

"ui, Rina, ok ka lang, binibiro lang kita wag kang magalit"

"oo na magfocus ka na sa pagdadrive." tas di na sya nagsalita.

Nakarating na kami. Sabi ko ibaba nya nalang ako sa temple. Binigay ko yung no. ko. Oo ngayon ko lang binigay. "tawagan mo nalang ako mamaya. Sige salamat" bubuksan ko sana yung pintuan ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"sigurado kang ayaw mo na samahan kita?"

"oo gusto ko munang mapag-isa"

"o sige pala, mag-ingat ka, tatawagan nalang kita mamaya." binitawan nya yung kamay ko at lumabas na ko ng kotse.

Pupunta na sana ako ng temple...

"Rina teka lang may nakalimutan ka" lumabas si Ren sa kotse nya.

"ha? Anung nakalimutan?" tinignan ko yung laman ng bag ko "wala nama--"

O////O

Ngumiti sya "sige alis na ko" tas nagmadaling pumasok sa kotse at umalis.

Napahawak ako sa pisngi ko. Kiniss nya ko?

bumalik nalang ako sa reality nang may lumapit as kin na matandang babae at tinanong ako kung OK Lang ako kasi matagal na Pala akong nakatayo sa entrance ng temple.

hay... Rina ano na ba talagang nangyayari sayo? sumabay na ko sa matandang babae sa pagpasok sa temple.

after Kong magpray, pumunta ako sa mga lugar na lagi Kong pinupuntahan dati...

pumunta rin ako sa dati Kong school...

isa sa mga lugar na di ko makakalimutan...

dahil...

doon ko huling nakita ang lalaking una Kong minahal...

hay... panigurado nakalimutan na nya ako...

Ren's POV

5pm na. Andito ako sa 2nd floor ng bahay namin malapit sa market at sa park. Tawagan ko nga si Rina. Pero natatakot ako, baka patayin ako nun dahil sa ginawa ko kanina XD ui sa pisngi lang yun, sya nga sa labi.

Ewan ko ba bat ko ginawa yun? Siguro sobrang saya ko lang kasi sya yung papakasalan ko.

"Rina, san ka na?"

"nasa bahay naming luma, malapit sa market."

"malapit ka lang pala, sunduin na kita, sabi ni okasan gusto ka daw nyang makilala, nagluto sya para sayo."

"o sige, magreready na pala ako, sa park nalang tayo magkita." tas binaba na nya.

Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa kusina "okasan, sunduin ko na po sya."

"o sige mag-ingat ka."

Umalis na ko ng bahay. Naglakad nalang ako dahil malapit lang naman,tatawirin mo lang.

Maya maya nasa park na ko. Tinignan ko yung paligid ng park, hindi pa rin nagbabago.

Biglang may kumalabit sa likod ko... pagkalingon ko, si Rina. Mukang nagulat sya.

"Bat ka umiiyak?"

"huh?" Hala, hindi ko napansin na tumulo ang luha ko. "w-wala. Napuwing lang."

Tinaas nya yung isang kilay nya parang sinasabing di sya naconvince sa sagot ko.

"wala. May naalala lang ako. Marami kasi akong memories sa park na to. Naalala ko nung 6 years old ako, may nakilala akong batang babae, kaedad ko rin. Tuwing nakikita ko sya, lagi syang umiiyak sa park. Araw araw kaming naglalaro dito park na to. Yun mga time na yun, yun na siguro ang masasabi kong pinaka masayang memory ko sa buong buhay ko. Lalo na nung unang beses kong nasilayan ang ngiti nya. Nung time na yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ko... yung time na yun, alam ko inlove na ko sa kanya..." tas tumingin ako kay Rina.

"ah." parang nag-iba yung muka nya. Parang nalungkot at... Nag-seselos?

Ngumiti ako "pero past na yun, kaya wag ka ng magselos. Ikaw ang present at future ko :)"

"um"

Tama, si Rina ang Future ko kaya dapat ko ng kalimutan si iyakin. Hindi pala limut, Move on " tara, naghihintay na si okasan" pero bat ganun... parang anlalim ng iniisip nya?

After 5 minutes nasa bahay na kami. pagkapasok namin...

"tadaima okasan, dito na kami."

"ambilis naman" nasa kusina pa rin sya. Tumingin ako kay Rina.

"ok ka lang Rina? Bigla kang tumahimik simula ng umalis tayo ng park"

"R-Ren... matagal ka na bang nakatira dito? " sasagot sana ako nang lumabas si okasan

"Ren, bat di pa kau pumasok" tas tumingin sya kay Rina."ai, Hi, ako nga pala si Shizuko, nanay ni Ren" tas ngumiti sya. Bakit parang nagulat sya nung nakita nya yung nanay ko?

"Rina, okay ka--" napatigil ako nang biglang umiyak sya.

"I'm sorry, excuse me." tas tumakbo sya palabas. Hinabol ko agad sya pero wala na sya agad. Asan na sya?

Anong nangyari sa kanya? Bakit bigla syang naiyak  nung nakita nya yung nanay ko?

Teka... hindi kaya...

I Can't Run Away From My DestinyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα