Chapter 3: Okay Pero Hindi Masaya

64 2 1
                                    

Rina's POV

Bakit parang hindi na malamig?

Pagmulat ko ng mga mata ko, may kumot na ako.

Teka? Lumilipad na yung eroplano? Bakit hindi ako nagising?

Nagulat ako ng may biglang nagsalita.

"Gising ka na pala" parang pamilyar yung boses ah…

Pagkalingon ko, nakita ko yung lalaking kinabubuwisitan ko. Ren ba yung pangalan nya?

"ikaw ba nagkumot sa akin?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung buhok  ko.

"oo ako nga, mukhang giniginaw ka kanina eh."

"salamat"

Ngumiti sya. "sakto gising mo Rina, nagseserve na sila ng food." nag nod lang ako.

Teka…

"paano mo nalaman ang pangalan ko?hindi ko naman sinabi sayo ah." Nung tinanong ko sya, parang ninerbyos sya kaya medyo nagalit ako "kinalkal mo ba yung bag ko?"

"hindi, hindi." tapos may kinuha sya sa bag nya.

"eto nga pala." inabot nya sa akin yung libro ko. "bago ko nailagay sa bag ko yan, may nahulog na sulat galing dyan sa libro. Nandoon ung pangalan mo kaya nalaman ko. Sorry kung binasa ko."

Sulat? Binuklat ko yung libro at may sulat nga.

 Pagkatapos kong basahin yung sulat, napangiti nalang ako.

"Ah! Ngumiti ka na rin" sabi ni Ren tapos ngumiti sya.

Dug dug...

Dug dug...

Bakit ganito?

Nakakainis pag ngumingiti sya ng ganyan….

Pero ngayon ko lang napansin na dark brown pla ang buhok nya... at ngayon ko lang din napansin...

"Rina?"

...ang Gwapo pala nya...

"uy" nagulat ako ng tinapik nya yung kamay ko.

"huh?"

"okay ka lang ba? Bigla ka nalang kasing natulala eh. Masama ba pakiramdam mo?"

"hindi, okay lang ako"

Ano ba iniisip ko? Umayos ka nga Rina!

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now