Chapter 23 :Rina's Old University

16 1 0
                                    

Rina's POV

nakarating na kami sa university namin.

"dito ka nag-aral? Grabe anlawak ah." hangang hangang sabi ni Ren.

"ambagal mo naman. Mamaya umuwi na si tito Francis. Bilisan mo nga ayokong magstay ng matagal dito sa school na to."

"para san ba kasi yang papeles na yan at kelangang pumunta ka pa personally dito sa pilipinas para dyan?"

Nagbuntong hininga nalang ako "ewan."

Nakarating na kami sa office ni tito, sya kasi yung dean ng dati kong department sa school na to. Kaibigan sya ni oto-sama. Nagkakilala daw sila dahil kay tito Raven.

"Rina, good to see you again. Sorry kung naabala kita" sabi ni tito. Kasing tangkad ko sya, mas matanda sya ng 2 years sa tatay ko.

"kayo rin po. Ok lang po yun tito, mas marami naman po natulong nyo sa kin nung nag-aaral pa po ko dito. Ay tito, ito nga po pala si Ren Yamamoto, fiancé ko"

Nagshake hands sila "nice to meet you sir."

"Yamamoto? Ikaw na ba yung anak ni Raven?"

"opo."

"kamusta na yung mga tatay nyu? Wala naman silang kalokohan na ginagawa noh?"

Natawa nalang kami. Maya maya binigay ko na yung envelope at nagpaalam na kami at umalis.

Bago kami makalabas ng building, nagpaalam si Ren na mag-C-CR daw sya.

"sige pala. Dun lang yun oh. Hintayin kita sa garden

Sa garden na ko. Umupo ako sa malapit na bench. After 20 minutes...

Hai, asan na ba si Ren? Antagal. Natabunan na ata ng inidoro eh XD tatawagan ko sana nang...

"Look who's here, the princess of Shimizu Company" pagtingin ko, si Kelsey lang pala, kasama yung mga plastic kong tropa dati. "nice to see you again Carmela... oh I mean Rina" nagsmile sya. Tumayo ako.

"nice to see you too. Musta naman na kayo?"

"ok lang naman. Nagtatampo lang, di mo sinabi na may company kayo sa Japan at ikakasal ka na."

"hindi naman kayo nagtatanong eh."

"pero alam mo, kawawa ka na naman... magpapakasal ka sa taong hindi mo kilala. Pero iniisip ko, di mo kaya gawa gawa lang yung whole engagement thing? Kasi sinabi lang sa min ni Agatha na nakita nya sa FB "

"at bakit naman ako magkukunwari?"

"para maghiganti kay Geneva at Brian?"

Lumapit ako sa kanya "alam mo, totoo na engaged ako"tinaas ko yung kamay ko at pinakita yung engagement ring ko tas binaba ko rin agad "at di ko kelangang magkunwari. Masyado na kasing malaki ang population ng mga plastic dito. Baka bumaha lalo dito sa AU pagsinamahan ko pa kayo" ngumiti ako

"YOU--" sasampalin nya sana ako...

"Rina!" bigla kaming napalingon.

"Ren..."

"sorry kung natagalan ako, may tinulungan kasi ako na student dun, nahulog yung hawak hawak nya kakamadali ko XD" napatingin sya sa kila Kelsey. Nginitian lang nya sila, Bigla silang natulala. Lumapit sya sa kin "Baby tara na" hinawakan nya yung kamay ko at nilayasan sila. Naririnig ko silang nagbubulungan.

"baby ka dyan!" di pa kami ganung nakakalayo sa nila.

"ahaha! Bakit totoo naman ah"

Hinampas ko sya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nararamdaman kong nasa likod parin namin yung mga plastic girls XD napahinto ako sa paglalakad nang...

"C-carmela?" may lalaki at babaeng lumapit sa kin. Nakita kong naguluhan si Ren nang tinawag nila akong Carmela. pagkatingin ko sa kanila ng mabuti...

"Brian, Geneva, kayo pala. kamusta na kayo?" sabi ko sa kanila. Yumuko lang si Geneva. Bakit ganun yung mukha nya? Parang sobrang lungkot, kabaliktaran nung itsura nya nung hinarap ko sya dati nung nalaman ko yung tungkol sa kanila. Bigla syang umiyak. Nilapitan ko sya at niyakap. Magsasalita sana sya pero pinigilan ko sya dahil lam ko na ang sasabihin nya.

"Geneva, ok na ko, pinapatawad na kita. Tyaka mas bagay kaya kayo. Wag ka ng umiyak." kumalas ako sa pagkakayakap tas ngumiti ako. uy walang halong kaplastikan yun ah.

Humarap ako kay Brian "Brian, musta na pala yung lola mo? Ok na ba sya? Sorry." makikita mong nagtataka yung dalawa "kasi di ko naman alam na humihiram ka ng pera sa kin dati para sa gamot ng lola mo. Di mo naman sinabi sa kin. Nalaman ko lang sa kapatid mo nung nag-online ako. Tyaka sorry din kung di kita minahal ng lubos at pinaramdam kong parang panakip butas ka lang kaya siguro minahal mo si Geneva. sorry."

"Carmela--"

"Pero salamat dahil minahal mo ko kahit unti" ngumiti ako at ngumiti din sya. Tas bigla syang tumingin sa likod ko. Nakalimutan ko si Ren XD lumapit sya sa min.

"Brian ,Geneva, Si Ren nga pala, fiancé ko."

"nice to meet you Geneva, Brian"

Nagulat sila. Pero parang di ganung nagulat si Brian "so totoo pala yung post sa FB"

"nakita mo yun?"

"oo, pinakita sa kin nung isang friend ko."

"ah... pero salamat sa inyo.."

"ha? Bakit naman?"

"kung hindi ko nalaman na kayo na, hindi pa rin ako babalik sa Japan. At kung hindi ako bumalik, hindi ko makikita yung first love ko kaya thank you :)"

*ring

"hello? ... Sa gate kana? ... Ok papunta na kami." pagkatapos ng call "Gen, Bry, una na kami ah? Ngumiti naman kayo, dapat masaya kayo lage. Chat nyo ko sa FB ah?" ngumiti si Geneva at tumango.

"bakit kinakaibigan mo pa rin yung ex mo at ang kaibigan mong plastic na traydor na niloko ka?" yumuko sina Geneva.

seriously? Nasa likod pa rin namin sila Kelsey.

Lumingon ako sa kanila at ngumiti "well naging plastic lang naman sya dahil sayo eh. tyaka nakita ko kasing nawala na yung kaplastikan nya. Siguro effective yung sampal ko sa kanya. Gusto mo itry? Baka magising ka rin at mawala yang sama ng ugali mo :)"

Sina Ren pinipigilan yung tawa nila. Makikita mong naiirita na si Kelsey. Lalapitan nya sana ko nang bigla syang huminto nang napatingin sya sa likod ko. Ano ba meron? Pagtalikod ko, nakita ko kung bakit.

"Rina, bat antagal mo? Lam mong may lakad pa ko" si kuya Jay R

"sorry, kausap ko lang sila, una ka na sa sasakyan" napatingin si kuya kay Kelsey na natulala tas umalis na. Nakakatawa yung reaction nya yung mga kasama nya pinapaypayan sya XD

"Kels, kalma lang..." sabi ni Agatha. Pinabayaan ko nalang sila at lumapit kila Brian.

"Gen, Bry, we have to go. Oo nga pala, it's Rina, not Carmela c:" tumago nalang sila at ngumiti then umalis na kami at pumunta na sa gate.

"Rina, bakit natulala yung Kelsey?" natawa ako sa tanong nya.

"di ba obvious? Patay na patay kaya yun kay kuya. Nagiging estatwa pag nakikita sya XD"

Tawa lang sya ng tawa.

"oo nga pala, bat Carmela?"

"mamaya ko nalang ikukwento."

"okay. pero lam mo nagulat ako"

"bakit?"

"kala ko ba di mo pa ko tinatanggap na fiancé mo? Bat sinabi mo sa kanila na fiancé mo ko?"

Sumimangot ako "kung ayaw mo di wag!"binilisan ko yung lakad

Tumawa sya "ui joke lang" hinabol nya ko tas hinawakan nya mga kamay ko. "I'm just happy when you said I'm your fiancé " tas hinila nya ko at naglapat ang mga labi namin...

Third person's POV

"Geneva, may iba sa kanya noh?"

"um. Makikita mong totoo yung ngiti nya at masaya sya kumpara dati... "

"pinagtadhana nga sila...sana maging masaya sila."

I Can't Run Away From My Destinyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن