Chapter 17: Nahanap Na Rin Kita

21 1 1
                                    

Rina's POV

bakit ganito...

pagkasabi nya sa park nya nakilala yung kababata nya... iba ang feeling ko...

Pumasok kami sa bahay nila ... dito ba talaga sya na katira? Hindi kaya sya si...

"ok ka lang Rina? Bigla kang tumahimik simula ng umalis tayo sa park"

"R-Ren... matagal ka na bang nakatira dito? " tinanong ko sya. gusto kong malaman. Hindi, kelangan kong malaman.

May lumabas na babae sa kusina at tumingin sa min. "Ren, bat di pa kau pumasok. ai Hi, ako nga pala si Shizuko, nanay ni Ren" tas ngumiti sya sa kin.

S-si Tita Shizuko? I-ibig sabihin si Ren talaga ang---

"Rina, okay ka--" bigla nalang akong napaiyak...

"I'm sorry, excuse me."

Nagmadali akong lumabas ng bahay nila...

Bakit ganto? Bakit sya pa si RenRen? Bakit?

*flashback

Feb. 14,2005

(13 year old Rina)

Kinakabahan ako... pano kung ayaw nya sa kin? Pano kung hanggang bestfriend lang ako?

Nagdesisyon ako na magtatapat na ako kay Ren, ang bestfriend ko. Oo inlove ako sa bestfriend ko. Gusto kong malaman nya yun bago ako umalis. Pupunta na kaming nagoya bukas. Dun na kami titira.

Nasa school ako ngaun hinahanap ko si Ren... kakatapos lang ng klase...

Nasan na ba sya?

Sa paghahanap ko kay Ren, nakasalubong ko yung isang kaibigan kong foreigner.

"Rina, you look so exhausted. where are you going?"

"ahm, have you seen Ren?"

"Yamamoto? yeah, I think I saw him on the 2nd floor"

"really? thank you" agad akong tumakbo papuntang hagdan

Pagkaakyat ko ng 2nd floor...

Andoon nga si Ren... Pero may kausap sya. Bigla akong nagtago sa likod ng poste. Nu gagawin ko? Aalis sana ko pero nagulat ako nang...

"Watashi to tsukiatte kudasai. (please go out with me)" sabi nung girl sa kanya habang nakayuko at inaabot kay Ren yung chocolate...

"Gomen Rika- chan, shikashi, watashi wa hoka no dareka o suki (I'm sorry but I like someone else)"

Nasaktan ako nung narinig ko yun pero ang mas masakit, yung sumunod nyang words...

may mahal na kong iba at para maging kami, sasabihin ko kay Rina na ayoko ng maging kaibigan nya.(Note: sinabi nya sa japanese to)

Bigla nalang tumulo ang luha ko at tumakbo ako...

*end of flashback

I hate you, I hate you, I hate you!

Nakakainis! Bakit kelangan kong makita sya ulit? Umalis ako ng Japan para di ko na sya makita pero pag balik ko, sya agad ang nakita ko. Nang-aasar ka ba talaga tadhana?

di ko napansing nakarating pala ako sa park...

Umupo ako sa swing...

Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko...

Kainis... di ko mapigilan ang luha ko tulad ng dati...

Teka...

Parang... may papalapit...titignan ko sana... Biglang may yumakap sa kin sa likod... "nahanap na rin kita... RinRin"

R-Ren? T-teka, U-umiiyak sya?

"kala ko di na kita makikita..."

Pagkasabi nya nun, bigla akong tumayo at tinulak sya...

"lumayo ka sa kin!"

"RinRin"

"wag mo kong tawagin ng ganyan! Nakakainis naman eh! Umalis ako ng Japan para di na kita makita pero pag balik ko, ikaw agad ang nakita ko. Bakit ba di ako pwedeng bumalik ng Japan ng di ka nakikita? "

"ibig sabihin umalis ka dahil sa kin? Bakit?"

"dahil tanga ako kasi mahal kita! Pero may mahal kang iba. Iiwanan mo ko para sa kanya. Kaya umalis nalang ako kesa marinig sa sarili mong bibig harap harapan! Pero kahit na umalis ako, hanggang ngayon antanga ko, mahal parin kita!"

"huh? Anong ibig mong sabihin? Wala akong mahal na iba, ikaw lang ang mahal ko."

"usotsuki! Sinabi mo kay rika-chan 8 years ago na sasabihin mo sa kin na ayaw mo nang maging kaibigan ko di ba? Wag kang magsinungaling! Narinig kitang sinabi mo yun"

(TN: usotsuki- liar)

"Rina, di ako nagsisinungaling. At yung tungkol dun... oo totoo yun pero mali ang pagkakaintindi mo... pagkatapos kong makipag-usap sa kanya, hinanap agad kita dahil may gusto akong sabihin sayo... pero wala ka tas kinabukasan wala ka na at  nagpaalam ka na ppnta ka ng nagoya tas magbabakasyon ka sa pilipinas sa sulat ... kaya sabi ko sa sarili ko, sasabihin ko nalang pag bumalik ka. Pero di ka dumating... 8 years...muka akong tanga na naghihintay sayo.. nagsisisi ako na hindi ko nasabi sayo" lumalapit sya sakin

"wag kang lumapit sa kin!" pero lumapit pa rin sya at hinawakan nya ang mga kamay ko. "bitawan mo ko"

"hindi. Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo naririnig ang gusto kong sabihin nun pa" binitiwan nya ang mga kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tiningala nya ang ulo ko para magmeet ang mga mata namin "ayoko nang maging kaibigan mo dahil gusto kong maging boyfriend mo... gusto kong tanggalin ang lungkot sa puso mo at palitan yun ng kasiyahan dahil nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak dahil sa mga magulang mo. Gusto kong protektahan ka sa lahat ng mananakit sayo, physically or emotionally... at gusto kong ako ang lalaking mag-aalaga at magmamahal sayo ... mga bata pa man tayo para magpakasal pero sana ako ang piliin mo na makasama habang buhay... Watashi wa, anatagasuki Rina..." nilapit nya yung mukha nya sa kin at naglapat ang mga labi namin habang patuloy na umaagos ang luha ko...

(TN: Watashi wa, anatagasuki- I like/love you)

I Can't Run Away From My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon