Chapter 24:Ren's Old University

25 1 0
                                    

Rina's POV

"Chris, uwian nyo na?... Sige hintayin nyo nalang pala kami dyan, malapit na kami, sabay sabay na tayong kumain ... kasama ko? Si Rina ... ha? O sige itatanong ko, ok bye" binulsa ni Ren yung phone nya at tumingin sa kin.

"RinRin, may pupuntahan ka ba?" umiling lang ako "ok lang ba na sumama ka? Gusto ka daw makilala nung pinsan ni Chris. Pero kung ayaw mo hindi kita pinipilit"

Ngumiti ako "sige sasama ako, wala namang magawa sa bahay eh tyaka para makaderetso na si kuya sa bahay nila Yumi, panigurado gagabihin yan"

"buti napansin mo" sabi ni kuya

"malamang alam ko, nagkikita lang kayo pag day off nya eh "

After 10 mins, andito na kami sa dating university ni Ren. Mas malaki parin yung dati kong university pero maayos naman din dito at malawak din.

Pagbaba namin ng sasakyan...

"Rina, magtaxi nalang kayo pauwi ah? Mag-ingat kayo, uso pa naman yung mga holdup." sabi ni kuya sa kin.

"ok kuya, kumusta mo nalang ako kay insan."

Tumango sya at tumingin kay Ren "Ren kaw na bahala sa kapatid ko ah. Yung pinag usapan natin ah, wag mong kalimutan" tumango lang si Ren.

Pagkaalis ni kuya tinanong ko sya habang pumapasok kami ng gate "Anong pinag usapan?"

"haha wala yun, death threat lang naman XD sabi nya pagpinabayaan kita at sinaktan, mas malala kay Brian ang gagawin nya sa kin haha"

"HUH?"

Tumigil sya at hinawakan ang dalawang kamay ko "pero wag kang mag-alala, hindi kita papabayaan at sasaktan, pangako yun." at ngumiti sya

Anak ng tinapa, ang gwapo talaga nya >////<

Maya maya nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may napansin kaming dalawang lalaking tumatakbo papalapit sa min...

"REN! ANTAGAL MO AH!" sabi nung lalaking may brown na buhok tas nang nakalapit na sya, sinakal nya si Ren

"hoy Josh, di na makahinga si Ren sa ginagawa mo" sabi ni Chris

"ai sorry" tas binitawan na ni Josh si Ren. "so musta ang Japan? nakakainggit kayo ni Chris, kahit pabalik balik nalang kayo sa Japan ok lang."

"adik ka talaga Josh. Ok lang naman . Ang di ok dun yung tatay kong baliw" tas tumawa sila

"oo nga, nakita ko nga yung comment nya sa photo nyo, parang hindi mo tatay yun XD"

"sinabi mo pa Josh XD" biglang napatingin si Joshua sa kin, nasa likod kasi ako ni Ren at napansin ata ni Ren kaya tumingin sya sa kin. Hinawakan nya yung kamay ko at hinila nya ko papalapit sa kanya pero gentle lang.

"oo nga pala, si Rina, fiancée ko" tas tinuro nya sila "si Josh at kilala mo naman na si Chris"

"I'm Rina Shimizu, nice to meet you" ngumiti ako sa kanila

"Hi, I'm Joshua Milan. Ang ganda mo pala. Pwede bang ako nalang ang pakasalan mo?" natawa ako kasi binatukan sya ni Christian

"haha sorry, pagpasensyahan mo na tong siraulo kong pinsan, basted kasi kaya ganyan. Well nagkakilala naman na tayo nung engagement party pero kung di mo ko maalala, ako si Christian Milan.

"haha syempre naaalala kita"

"hay, ang swerte talaga ni Ren." biglang nagsalita si Josh

"ui, Josh, sino yung niligawan mo? Nakucurious tuloy ako, sa gwapo mong yan basted ka? Pero syempre mas gwapo parin ako XD diba RinRin?" tumingin sya sa kin, naparolled eyes nalang ako. Hay minsan medyo mayabang tong boyfriend ko eh XD

Bigla nalang tumahimik si Josh at nagsimulang lumakad. "anyare dun?" tanong ni Ren.

"maya nalang nating pag-usapan, nagugutom na kami tara." sagot naman ni Chris at sinundan na namin si Josh.

Biglang sumigla si Josh "oo nga! Gutom na rin ako. Lam mo bang kanina pa kong nabuburyong sa klase? Di ko maintindihan yung mga pinagsasabi ni sir kanina. Andaming formula. Bat ba andami?" tawa lang kami ng tawa. Medyo malapit na kami sa gate nang...

"Ren!" pagkalingon namin, isang babae ang nakatayo.

Teka, di ba sya yung...

"Loraine? Bat ka andito?" tanong ni Chris, bigla namang sumimangot si Josh.

"malamang andito si Ren eh. Mauna na ko sa kotse."tas iniwan kaming apat. Teka, di kaya sya yung niligawan ni Josh?

"mag-uusap kami ni Ren kaya andito ako. " sagot ni Loraine kay Chris sabay ngiti at lumapit sa min.

"Loraine, si Rina nga pala, fiancee ko" sabi ni Ren. ngumiti ako kay Loraine pero nawala yung ngiti nya nung narinig nya yung word na "fiancee"

"oh so this is the girl you were desperately searching for." nagsmirk sya.

Tumingin si Ren sa min ni Chris "sorry, pwede bang mauna na kayo sa kotse, susunod din ako agad."

tumango si Chris "alika na Rina" sumunod ako...

Pero bakit ba di ako mapakali ? Sino ba talaga si Loraine sa buhay ni Ren?

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now