Chapter 9: Just be yourself

23 2 1
                                    

Rina's POV

April 25,2013 7:30am

"ohayo Rina" sabay na bati sa kin nila oto-sama at tito.

"ohayo gozaimasu oto-sama, tito"

"ah, ohayo Rina" ngiting bati ni Ren. Tumango lang ako at umupo para makapagbreakfast. "itadakimasu (let's eat/thanks for the meal)"

(T/N: ohayo - good morning. Ohayo gozaimasu- formal saying of good morning)

Kumain lang ako ng tahimik habang sina tito pinag-uusapan yung baseball na pinanuod nila kagabi. Si Ren naman parang ang lalim ng iniisip.

"gochisousama deshita (thank for the meal)" at tumayo na ko.

"teka, ambilis naman. hindi mo pa nauubos yang pagkain mo oh. May pupuntan ka ba at para kang hinahabol?" tanong ni oto-sama

"gusto ko lang pong maglakad lakad saglit tyaka magrerent po ako ng DVD."

"t-teka, natulog ka ba kagabi?" ngumiti lang ako dahil di ko lam sasagot ko. Naging malungkot ang muka nya at Napapalm face sya "pag ikaw nagkasakit ulit sa ginagawa mo... hay, sige na pala. Umalis kana. Pero isama mo si Ren."

"po? Bakit po?"

"para may kasama ka. Si Ayane-chan may pasok di ba? kaya hindi ka nya masasamahan."

"andyan naman po si Hinata-kun ah"

Biglang nagsalita si tito Raven "naku naku, sige na isama mo na tong anak ko, maaaning na to dito pag hindi sya lumabas. ahahahaha"

"HINDI AKO ANING NOH! WAG MONG IPASA ANG PAGKAANING MO SA KIN!"

"hahahaha easy lang Ren" ganun pala sila magmahalan noh? Nag-aasaran at nagsisigawan. Nakakatuwa silang panuorin pero wala akong ganang makipagbiruan ngayon.

Pumayag nalang ako na samahan ako ni Ren. Hay. Wala naman, di naman kami nag-uusap. Ewan ko. Antahimik nya ngayon, samantalang kahapon ingay ingay nya. Nu nangyari dito?

10:35am

"kain muna tayo. Mcdonald's?" tumango lang ako sa kanya. paano nya nalaman? siguro kay otou-sama or Ayane.

Hindi ko nalang tinanong at pinabayaan ko nalang.

Pagkadating ng order, kumain na kami agad. tahimik parin sya. Ang weird nya ngayon.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang syang nagsalita. "okay ka lang ba?"

"ha?"

"sabi ko okay ka lang ba?"

"o-oo naman. Ikaw nga dapat kong tinatanong nyan eh. Ang weird mo kaya. Ang tahimik mo ngayon."

"ok lang ako. Kaya ako di nagsasalita kasi parang ayaw mo kong kasama tyaka baka mairita ka lang sa kin kapag nagsalita ako kaya tahimik lang ako."

"hindi naman sa ayaw--"

"hindi lang komportable?"

"oo pero mas di naman ako komportable pag ganyan ka."

"haha sorry. Gusto ko lang naman kasi na magustuhan mo ko since ikakasal tayo. mas maganda kung magkasundo tayo di ba? kahit di natin mahal ang isa't isa,basat gusto mo ko at ganun din ako, magwowork naman ang relationship natin di ba? kaso di ko lam kung anung gagawin ko."

ngumiti ako sa kanya "just be yourself" ngumiti rin sya.

"okay :) so birthday mo na pala sa sabado, anong gusto mong gift?" nawala yung ngiti ko. Bakit yung birthday ko pa ang ginawa nyang topic?

"kahit ano. Kahit wala. Hindi naman importante yung araw na yun."

"ha? Bakit naman?"

"I don't wanna talk about it. Let's go." tumayo na ako

"okay. I'm sorry"

After 30 minutes, nasa bahay na rin kami.

"thanks sa pagsama sa kin." ngumiti lang sya at tumango then pumasok na ko sa kwarto ko.

.

nakakainis... naaalala ko na naman yung araw na yun...

------

A/N: ano kya ang naalala Nya? Malalaman nyu sa next chapter. Haha hope u enjoy dis chap. c: -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now