Chapter 4: Sapilitang Sharing

73 2 1
                                    

Ren's POV

Naku-curious ako kung ano ang mangyayari kay Rina pagbumalik sya ng Japan.

Sabi nya, para kompanya. Dalawa lang ang naiisip ko...

1)sya na ang magma-manage ng business nila

Or 2)…

Naalala ko bigla yung nasa sulat…

Maging masaya ka sana sa desisyon mo.

At yung sinabi nung pinsan nya…

Sana tama ang desisyon mo.

Hindi kaya…

"excuse me" pagkalingon ko, si Rina pala,  mukang umiyak ata sya kaya agad kong tinaas yung tray ko at table para makadaan sya. "sorry"

"whatever"

Hala yung sungit mode nya ayan na naman. Anyare sa kanya?

"okay ka lang? parang umiyak ka"

"okay lang ako at hindi ako umiyak" nakaupo na sya at tinanggal nya ung aluminium foil na nakatakip sa pagkain.

"sure ka?"pagkasabi ko nun, bigla syang tumingin sa kin.

"pwede bang wag mo na kong kausapin? Nakakairita ka na eh. Wala kang pakialam kung okay ako or hindi. Hindi kita kaibigan ni hindi nga kita kilala at di mo rin ako kilala so stop bothering me."

Grabe…

Ansaket nya magsalita. Hindi ko nga sya kilala at nakakairita ako pero hindi naman masamang mag-alala di ba?

"oo tama ka. Hindi kita kilala kaya nga nakikipagkilala ako di ba? Gusto kitang makilala at maging kaibigan kaya sana bigyan mo naman ako ng pagkakataon na makilala ka. O isa ka sa mga taong tinatawag na loner?"

"oo loner ako kaya pabayaan mo ko"

Medyo nawawala na ang pasensya ko sa kanya.

Ren, kalma lang…

Inhale… exhale…

Gusto kong malaman ang kung ano ang problema nya para matulungan ko sya kung meron man akong maiitulong...

"ang loner di dapat forever na loner. Dapat may kaibigan ka kahit isa kaya sige na, magkwento ka ng tungkol sayo."

Nakikita kong iritang irita na sya sa kin dahil kanina pa nya hawak hawak ng mahigpit yung kutsara pero di pa nagagalaw yung pagkain nya.

"magkukwento rin ako sayo, gusto mo ako mauna para fair. Pag pumayag ka, tatahimik na ko promise. Kaya please?"

nagbuntong hininga sya "fine. Pero siguraduhin mong pagkatapos nito, di mo na ko guguluhin."

"promise :) ok, mauna ako. So anu ba gusto mo malaman sa kin? Kahit ano."

"kahit ano? Bakit nakakabuwisit ka?" nagsmirk sya

"haha Rina naman, seryoso, ano nga?"

"bakit ka pumunta ng pilipinas?"

 Hindi ko inexpect na yun ang itatanong nya. Sasabihin ko ba? Hindi naman siguro sya chismosa di ba?

Tas bigla nyang dinugtungan. "Sana kung nasa japan ka ngaun, di sana ako nabubwisit ngayon."

"grabe, ayaw mo talaga sa kin? Pumunta ako ng pilipinas para matakasan ko yung fans club ko XD"

Ni-raise nya yung isang kilay nya at mukang hindi naniwala sa sinabi ko.

"totoo nga. Kung alam mo lang kung ganu sila nakakairita, panigurado lalayas ka talaga" tas yumuko ako "pero ang totoong rason ko sa pagpunta dito ay para makita ang kababata… 8 years ago, nung valentine's day, nagdecide ako na magtatapat ako sa kanya, na mahal ko sya pero bigla silang lumipat ng bahay kasi andun yung business ng tatay nya. Ayaw nyang sabihin kung saan. Ang sabi lang nya, pupunta sya ng pilipinas kasama ang nanay nya para magbakasyon. 1 month lang daw sila dun. Tapos babalik din daw sila sa bago nilang bahay sa Japan,kung san man yun at bibisita daw sya sa Nara. After 1 month, wala pa sila kaya nag-alala ako. Hindi ko sya makontak. Pumunta ako sa bahay nila sa dun sa Nara.  Ang napagtanungan ko yung batang kaclose nya, yung anak ng isang katulong nila na nagbabantay ng bahay nila habang wala pa sila. Pero hindi rin daw nya alam kung kelan sila babalik. Wala akong nagawa kung hindi maghintay. Umabot ng 1 year,2 hanggang 3 years pero wala pa rin sya… kaya napagdisisyunan ko na pumunta ng pilipinas para hanapin sya. Sinabi ko lang sa parents ko na gusto kong lumayo sa mga fans club ko dahil di ako makagalaw ng maayos pag nasa school ako. Sa una, di sila pumayag pero pumayag din sila dahil muntikan na kong maaksidente nung nag aaway yung mga fans ko dahil sa kin -_-'bat kasi sobrang gwapo ko?XD"

tumingin ako kay Rina at ngumiti. Niroll lang nya yung eyes nya  XD dumaan yung flight attendant para kunin yung mga tray namin dahil tapos na kaming kumain.

"haha, Basta hinanap ko sya kung saan saan. Tinulungan pa ako nung tito kong lawyer sa pilipinas, nag hire sya ng private investigator pero 3 years na, wala pa rin…tas nung nalaman ng tatay ko na hinahanap ko yung kababata ko, bigla syang nagalit. Pinapauwi na nya ko. Sabi nya kung makikita ko daw sya, dapat noon pa. 7 years na daw syang wala, dapat kalimutan ko na daw sya. Nung time na yun, naisip ko, oo tama nga ang tatay ko, nagmumuka na kong tanga na naghihintay for 7 years sa taong hindi mo lam kung buhay pa ba o wala na. kaya naging girlfriend ko yung isang friend ko, panakip butas ba? Inisip kong pag nagmahal ako ng iba, makakalimutan ko sya pero hindi pa ako handang sumuko. Hiniwalayan ko yung girlfriend ko at nakiusap ako na bigyan pa ko ng isang taon ng tatay ko para hanapin sya. Pumayag ang tatay ko pero may kondisyon. Pag di ko pa rin sya nakita, babalik ako ng japan at magpapakasal ako sa anak ng kaibigan nya. So after 1 year ulit, di ko talaga sya makita. Hindi siguro talaga kami para sa isa't isa. Masasabi kong handa na kong pakawalan sya ngayon Kaya ito ako ngayon sa eroplano papunta ng japan para mameet ang fiancee ko na kahit kelan hinding-hindi ko pa nameet pero yung tatay nya nakilala ko na. Sana matutunan ko ring mahalin ang magiging asawa ko…" sabay ngiti.

Pagtingin ko ulit kay Rina parang nagulat sya. Bakit kaya? Muka bang nang-imbento lang ako at di sya makapaniwala? Sabagay, di ko naman sya masisisi. Pati ako di ako makapaniwala na nakapaghintay ako ng 8 years para lang sa iyaking bestfriend ko na yun lalo na't andaming ibang babae dyan pero sya pa rin talaga.

"bakit parang nagulat ka?"sabi ko kay Rina

"wala. Nagulat lang ako dahil parehas pala tayo."

"naghintay ka rin?"

"hindi. Yung reason ng pagbalik sa japan."

"so tama pala ang hula ko na kaya ka babalik para magpakasal. uy baka tayo yung ipapakasal XD" biro ko

"wag sana, ayokong makasal sa maingay at nakakabuwisit na nilalang na katulad mo"

"ansakit mo talaga magsalita. Pero bat ka pumayag? Pwede mo namang tanggihan yun kung ayaw mo di ba?"

"ikaw, bakit ka pumayag?"

"para makamove on at makapagsimula ng bagong buhay"

"ganun din ako." makikita mo sa mga mata nya ang sobrang kalungkutan " Anyways, turn mo na magtanong, anong gusto mong malaman tungkol  sa kin?"

Hindi ko alam ang itatanong ko… alam ko… pero parang ayokong itanong … kaya...

"bakit sinabi mo kanina na loner ka? Wala ka bang kaibigan maski isa?"

Yumuko sya " kaibigan? Meron. Yung mga friends ko sa Japan. At yung bestfriend ko si Yui . Pero, hindi totoong kaibigan yung mga kaibigan ko sa pilipinas maliban syempre kay Yui na nasa pilipinas din. Isa sa mga plastic na kaibigan ko si Geneva na tinuring ko na ring parang kapatid, kinaibigan nya lang ako para mapalapit sa boyfriend ko. Hindi ko alam, sa likod ko, sila pala. Nung nalaman ko, nakipag hiwalay ako. Sabi nya ako daw ang mahal nya hindi si Geneva pero hindi ko sya binalikan. Dahil alam kong hindi ako ang mahal nya, yung pera ko. Nasaktan ako dahil niloko nila ako pero di ko masasabing minahal ko ng lubos yung ex ko. Minahal ko sya pero parang panakip butas lang sya. Hanggang ngayon mahal ko pa rin yung first love ko. Pero pinagpalit nya ako sa babaeng mahal nya. Tas yung isa pang taong minahal ko ng lubos, iniwan ako." nabigla ako ng tumulo ang luha nya. Agad naman nyang pinunasan ang mga mata nya "kaya nung nakipaghiwalay ako kay Brian, nagdesisyon ako  na bumalik nalang ng Japan at sundin ang gusto ng tatay ko para sa kin. Nag promise ako sa sarili ko na di na ko magtitiwala ng lubos at magmamahal ulit"

"sorry..."

"ok lang yun. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nung nilabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kaya salamat dahil pinilit mo kong magkwento." medyo ngumiti sya

"no, thank you." nagsmile din ako.

Ang ganda nya talaga lalo na pag ngumingiti sya.

Magsasalita ulit sana ako nang biglang nagsalita yung  piloto na ifasten yung seatbelts dahil malapit na kaming dumating sa Nagoya Chubu Centrair. Pagkatapos nun di na kami nagsalita.

After 20 mins…

Nagsalita ulit yung piloto...

"welcome to Nagoya, Japan"

-------------------------------

A/N: ikakasal na sila? hala bakit? at kanino? well malalaman nyo sa chapter 6 kaya abangan nyo nalang kahit na super obvious XD anyway, thanks for reading c: -mishimish20

I Can't Run Away From My DestinyWhere stories live. Discover now