Pusuan Mo Naman Ako

59 4 0
                                    

Naranasan mo na bang masaktan dahil sa taong minahal mo pero hindi naman naging kayo? ' Yung tipong kumain ka ng maraming pag-asa pero hindi naman pala happy ending ang kwento niyong dalawa, 'yung umaasa ka na magkakaroon din ng salitang "tayo" sa huli.


Third year high school ako noong nagising ang hypothalamus ko at nagdesisyong ito na ang tamang panahon para magmahal at maging ganap na nilalang. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, ang araw na hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa tadhana o sisisihin siya dahil sa ginawa niya.


May program sa school bilang selebrasyon sa Araw ng mga Puso. May kung anu-anong Boots na nagkalat sa quadrangle, mauumay ka sa mga bulaklak at puso na nagkalat sa buong campus. 'Yung iba ngang couple halos di mo mapaghiwalay at nagfe-feeling na road to forever na sila. Natatawa na lang ako dahil yung iba sa kanila first year pa lang. 'Yung message boot naman puro "I love you" ang sinasabi sasabayan pa ng sweet na kanta. Napapailing ako tuwing naririnig ko yung mga binabasang message dahil hindi naman yan magtatagal, magsasawa rin sila sa pag-uutuan.


Nanood na lang ako ng singing contest sa Auditorium para mabawasan ang panlalait ko sa mga couple na nagdadaan. Pero hindi ko naman inaasahan na doon ko 'siya' makikita. Isa siya sa mga contestants. Nung kumanta siya ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko, yung kakaibang tibok na may kasamang paro-paro sa tiyan. Alam ko noong panahon na 'yon...iba na 'to!


Kinagabihan, hindi ako makatulog. Siya ang iniisip ko. 'Yung lalaking may magandang boses, matangkad, gwapo, at may ngiting tagos sa panty at shorts. Simula noon inalam ko na ang mga impormasyon tungkol sa kanya, pangalan, section, tirahan at ang mga accounts niya sa social media kaya naging stalker niya ko. Tuwing recess at uwian lagi ko siyang hinihintay para lang pasimpleng tingnan. Oo, masaya na ko sa nakaw-tingin, at todo kilig ang buong sistema ko pag nagtama ang mga tingin namin.


Hiniling ko minsan sa langit na sana makilala niya rin ako, sana maging magkaibigan kami. Kahit friends lang okay na ko kasi doon naman nagsisimula ang lahat pero fourth year na kami ay hindi pa rin ako nag-e-exist sa mundo niya, samantalang ako...siya na ang mundo ko. Mahal ko na siya.


Isang taon ang lumipas. Naglakas-loob akong gumawa ng letter para sa kanya. Sinulat ko iyon sa papel na korteng puso dahil Valentines na naman. Excited akong pumasok sa paaralan dahil nga aamin na ko sa kanya pero nadurog ang pag-asang kinapitan ko ng isang taon. May girlfriend na pala siya, kinantahan pa niya sa harap ng maraming tao sa campus. Nadudurog ako noong mga oras na 'yon habang pinagmamasdan sila. Ang sakit pala. Naiiyak na ko nang may tumawag sa panglan ko...


"Francis!" Humarap ako"Umiiyak ka ba?" "Hindi" hindi niya kasi ko pinusuan, bes."Hoy, bakla 'wag nga ako. E, ano 'yang pumapatak sa mata mo? Ihi?"


Tumalikod ako at naglakad na palayo."WALA KASING FOREVER! LECHE!"

Kuwentong Failed-ibig 3Where stories live. Discover now