Kab[iyak]

141 4 0
                                    


"Sana hindi pa sila nauubusan," bulong ni Zeke habang nagmamadaling pumunta sa paborito nitong tindahan.

Tinungo niya agad ang lugar kung saan niya huling nakita ang libro. Iniisa-isa niya ang mga nakalaray hanggang sa lumapat ang kanyang mga daliri sa kanyang hinahanap. Kasabay nito ang pagdampi ng isang kamay sa kanya at sa librong hinahawakan niya.

Nagkatinginan sila ng isang babaeng nakasalamin.

"Oh, shit! Parang nakita ko na 'to sa isang pelikula, a?" manghang sambit ni Zeke.

"O nabasa sa Wattpad?" tugon ng dalagang halatang nagulat din.

"Ito ba 'yung parteng malalaman mong anak ako ng pinakamayamang negosyante sa Pinas . . ."

"Iba-blackmail mo 'ko at gagawing 'slave' . . ."

"Idi-declare mong ako ang hatest mo sa mundo . . ."

"Tatawagin kitang 'jerk' sa out-of-this-world mong pangalan, whole name dapat ha, dahil mas may impact 'yon."

"Nang walang ano-ano'y mari-realize mong ako pala ang icing sa ibabaw ng cupcake mo . . ."

"Biglang mawawalan ng sagot sa tanong mo at . . ."

"Magmamahalan tayo," sabay nilang pagtapos habang tumatawa.

"Jinx, bitch! Buy me a book — this book," iniangat ng babae ang kanyang nakapilantik na kilay sabay hablot sa libro.

Ngumiti si Zeke. "What are the odds? Malay mo, magkagusto nga ako sa'yo."

"Gumising ka. Tunay na buhay 'to at hawak mo ang huling stock ng libro ko."

Binili ni Zeke ang libro sa kasunduang sasamahan siya ng dalaga magkape.

"Sa'yo na 'to pagkatapos ko. Ako nga pala si Zeke Percival Montefranco." Sabay abot nga kanyang kamay.

"Tangina, straight outta Wattpad talaga." Muntik na niyang matapon ang kapeng iniinom sa pagtawa.

Kinamayan niya si Zeke. "Sophie."

"Kinsella?"

"Gago, hindi. Basta. Sophie lang."

"Okay, Sophie Lang. Hindi rin naman importante 'yon, dahil mapapalitan ko rin 'yan 'pag nagpakasal na tayo," pabirong sabi ni Zeke. Sa likod nito ay ang paghanga kay Sophie. Ngayon lang siya nakakita ng babaeng katulad na katulad niya. Hindi siya makapaniwalang sa isang estranghero pa niya makikita ang hindi niya makita sa ibang tao.

Tumawa lang si Sophie. Pangatlong beses pa lang niyang nakikita ang tawa nito pero handa na siyang ibigay lahat, gawin lahat, para lang makita muli ito.

"Sophie, naniniwala ka ba sa destiny? Hindi 'yan pick-up linep, a. Seryosong tanong lang."

"Hmm . . . Oo. Naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may dahilan at may nagtutulak sa mga bagay-bagay upang dumating sa kung saan man sila naroon ngayon. Konektado lahat. Pero ayaw kong isipin 'yon — na may hangganan lahat, na planado na ang buhay ko at kahit ano pa ang gagawin ko pareho lang ang kahihinatnan ko. Sabi nga ng paborito kong may-akda, na sa tingin ko ay paborito mo rin, 'Knowing your fate is one thing. Accepting it is another.'"

"Uncle Rick, The Sword of Summer. Uwian na! May nanalo na; ginalingan, e. Gods, sa tingin ko tayo na talag—"

"Zeke, stop. May boyfriend na ako."

Kuwentong Failed-ibig 3Where stories live. Discover now