Ulan

109 8 1
                                    


Umuulan.

Hindi ko maipaliwanag ang kalungkutang dala ng bawat patak ng luha ng langit sa tuwing umuulan. Hindi ko na inalintana ang unti-unting pagkabasa ng aking mga libro, ang mahalaga'y makasakay agad ako upang 'di na lalo pang mabasa. Ngunit bakit para bang huminto ang pagyakap sa akin ng mga luha ng kalangitan kahit pa alam kong malakas pa rin ang ulan. Hindi ko namalayan, nasa ilalim na pala ako ng payong mo.

Unti-unting humina ang ulan. At kailangan na rin nating maghiwalay. Ngunit ang sandaling pagsukob ko sa payong mo ay hindi inaasahang simula ng pagsukob ko rin sa buhay mo.

Tumila na ang ulan.

Apat na taon buhat ng araw na iyon ay ipinagpasya na nating tuldukan ang ating pagtitinginan bilang magkasintahan. Sa araw na ito ay babasbasan na tayo ng Lumikha upang magsama at bumuo ng sarili nating tahanan na umaasang hindi matulad ang ating pagsasama sa pagsasama ng ating mga magulang.

Maganda ang sikat ng araw. At tila ba umaayon ang lahat sa ating mga plano. Ngunit may hindi maipaliwanag na kaba ang hinding-hindi maalis sa dibdib ko.

Bakas sa ngiti ni Ina ang kaligayahan na batid niyang maganda ang bukas na naghihintay para sa ating dalawa. At unti-unti na ring nangingilid angbaking mga luha habang binabaybay ko ang pasilyong maghahatid sa akin patungo sa iyo.

Ngunit habang naglalakad ako papalapit sa altar ay biglang dumating ang aking ama, ang aking amang iniwanan kami ni Ina mula nang ako'y bata pa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako maiinis na muli ko pa siyang nakita.

Ngunit nang ako'y malapit na sa iyong piling ay umalingawngaw ang mga kataga mula sa aking ama na 'di ko na muling nais pang marinig.

"Emma, huwag mong pakasalan si Emman. Anak ko siya sa iba."

At sa di inaasahan, biglang umulan.

Kuwentong Failed-ibig 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon