Retired na si Kupido

132 2 1
                                    


"Kat...pwede ka ba ngayon?"

"Ha?...T-teka lang...di pa ako ready"

"Wag kang mag-alala, dadahan-dahanin ko lang"

Hayok ang halik na ginanti ng lalake sa babae habang maririnig sa isang stereo ang koro ng kanta ni Maja na "Dahan" na tila lalong naguudyok sa dalawa upang lumikha rin ng musika gamit ang kanilang katawan at ang kulay rosas na kama ang siya nilang magiging entablado.

"Hindi ba masyadong maaga para gawin natin to?"sambit ng dalag habang hinahayaan lang nito ang kamay ng kanyang kasintahan na ibaba ang zipper ng kanyang pantalon.

"Ano ka ba, lahat ng kilala ko eh ginagawa na ito...isa pa, di ba mahal mo naman ako? At mahal din naman kita. Wala namang masama sa gagawin natin eh" tinanggal na ng lalake ang kanyang pang-itaas na damit at saka marahang pumatong sa kanyang kasintahan.

"Mahal mo ba talaga ako?" tila may konting bahid ng takot at pagdududa ang tanong ng babae ngunit ang katanungang ito agad ding nalunod sa nakababaliw na tili ng simulan ng kanyang kasintahan patunugin ang kanyang kwerdas na lumikha ng unang nota sa umpisa ng kanilang nagaalab na kanta.

Habang ang paraiso ng dalawang magsing-irog ay nagsisimula ng magliyab, sa di kalayuan ay isang batang may dala-dalang palaso at pana ang tila nag-iisang manonood sa karnal na pagtatanghal ni Eba at Adan. Kasing puti at kinis ng niyebe and animo'y pakpak sa likuran nito samantalang kasing-tingkad ng langit ang mga mata nito na tila sa ano mang oras ay babahain na ng luha habang pinagmamasdan nito ang mukha ng dalawa.

Sarap. Ito ang tanging nakapinta sa mga ito. Tila ito na nga lang ata ang sukatan kung mahal mo ang isang tao. Kung gaano katindi ang maibibigay mong sarap sa kanya. Ngunit kahit ang sarap ay nauubos din; nakakasawa at nakakaumay. At sa oras na dumating kayo sa puntong iyon, ano na ang manyayare?

Napaluha ang babae ng marating na nila ang pangalawang koro dahil sa pinag-gagawa ng kanyang nobyo sa kanyang katawan na halos mabali na sa mga porma na kanilang ginagawa.

Mahal mo ba talaga ako?

Nakita na ng misteryosong bata ang mapait na kapalarang nag-aantay sa dalaga at ang ang mga susunod pang mga dilag na tatamaan ng kanyang palaso.Napaluha na ng tuluyan ang batang anghel kasabay ng pag-bali nito sa kanyang pana at palaso; mga kagamitang nabahiran na ng kamunduhan imbes na kabanalan.

"Hindi...hindi kanya mahal" ang hagulogol nito sabay kampay ng kanyang pakpak papalayo sa pagtatanghal na di na muling mauulit pa.

Kuwentong Failed-ibig 3Where stories live. Discover now