Dummy'ng Alam

75 6 1
                                    


Binuksan niya ang facebook at nag-update ng status. 'I'm technically single but my heart is already taken.' Post.

Muli, dinalaw niya ang wall ng crush niya. Ang mukha ni Jose Rizal ang profile picture nito at ang cover photo naman ay ang humihiyaw na mga katagang 'Writing Is Life' sa nakasulat sa malalaking letra.

At sa bio nito mababasa ang, 'Wag kang magmamahal ng isang writer.

Bawat post nito ay hindi niya kinakaligtaang pusuan. 'Ikaw ang talinghaga sa binubuo kong tula. Oh aking musa, magbalik ka na sana.'

"Hindi ko alam kung bakit, ngunit sana totoo ka na lang talaga," wika niya na animo'y nananaginip.

'Bumalik ka na aking araw, sapagkat kulang ang aking buhay kung wala ang liwanag.' Pinusuan.

'Iba pala ang nagagawa ng mga taong nasasaktan sa pag-ibig, tumatapang.' Punusuan.

'Pebrerong-pebrero pa naman noong ako'y iyong iniwan? Sa rami ng mga araw at buwan, bakit ngayon pa mahal? #WalangMagbabalentayms!" Pinusuan.

'Natatandaan ko pa ang mga binitawan mong salita. Sila na ngayo'y nakakulong sa maliit na espasyo ng maputing papel.' Pinusuan ulit.

Ngunit sa puntong ito ay naglakas-loob siyang i-message ito.

-hi!

(Seen)

-hello!

(Seen)

-idol, like na like ko iyong style mo sa pagsulat.

(Nag-send ng like button)

-idol, ganoon din ako bitter sa valentines...

(Seen)

-iniwan rin kasi ako ng mahal ko, kaya alam ko ang pakiramdam...

(Seen)

-makakahanap ka rin ng papalit sa kanya, malay mo nasa tabi-tabi lang siya idol... heheheheh.

(Typing...)

-saka, ano po gudlak sa pagsulat.. hehehe, mahal po kita idol.

(Bakit ka niya iniwan?)

-Oh My God! Nagreply...

-Ahh ano. Komplikado eh...

-Hindi siya ang tipo ko kasi noong kami pa halos wala na siyang time sa akin... kaya ayun...

(Baka busy?)

-hindi ko po alam... basta ang alam ko hiwalay na kami.

(Nag-send ng like button)

-pebrero din iyon noong naghiwalay kami kaya relate na relate ako sa mga post mo idol.

(K.)

"Sa wakas at pinansin rin ako ni crush. Bukas na bukas din tatanungin ko kung taga-saan siya." Sumigla ang mukha niya sa naiisip na plano. Sa palagay niya'y tuluyan na siyang na-inlab sa kausap.

Bumalik siya sa messenger.

-ahm idol sige lang continue ka lang sa passion mo bilang writer suportahan kita.

(Bakit mo nga hiniwalayan? Malay mo gawan kitang wasak na tula.)

-ahh eh, barumbado iyong boypren ko na iyon idol, palaging nakatambay sa computer shop.

(Gamer?)

-ewan ko kung anong ginagawa niya... basta, bago pa lang kami nun at saka pakiamdam ko niloloko ako noon matagal na, ang daming ka-chat eh.

(Seen)

-idol na idol po kita, sana malaman ko kung taga saan ka nakatira.

-pwede tayong mag-meet po.

(You can no longer reply to this conversation anymore)

Sa kabilang dako...

"Oy pre, hindi mo pa time, out ka na agad?"

"Pasensya na mga brad, medyo badtrip lang!"

Sinipa niya monobloc chair, inayos ang sombrero at binangga ang pinto pabukas. Lumabas siya sa computer shop na punong-puno nang sama ng loob.

Kuwentong Failed-ibig 3Where stories live. Discover now