Kilay

274 11 1
                                    


Ang saya ng gising ko. 'Di ko tuloy maiwasang mapangiti ng abot sa magkabilang tainga.

Ngayon, 'di ko alam ang dapat na maramdaman. Kung kanina'y masaya ako, ngayon, 'di ko alam kung dapat ba akong matuwa, kiligin, ma-excite, o kaya'y kabahan.

Date namin ngayon ng aking minamahal. Papunta na ako sa park, kung saan napagkasunduan naming magkita.

Sakto, kakarating ko lang sa park nang may dumaang tindero ng mga lobo. Bumili ako ng dalawang hugis puso na lobo, isa para sa 'kin at isa para sa kaniya. Umupo muna ako sa bench para maghintay.

Halos sampung minuto na akong naghihintay. 'Di kaya may surprise siya sa 'kin kaya siya late? Ang galing naman, alam niyang mahilig ako sa mga surprise.

Lumipas ang ilan pang minuto hanggang nakita ko ang isang taong pamilyar sa 'kin. Matangkad, maputi, matangos na ilong at nakatayong buhok. Hindi niya ako binigo, dumating siya!

Ngunit bakit ganoon? Mapanglaw ang kaniyang itsura, wala rin siyang dalang mga rosas at tsokolate na madalas niyang binibigay sa tuwing magde-date kami.

Niyakap niya ako. Sandali, bakit wala akong maramdamang init? Ang lamig-lamig niya. 'Di naman siya ganito dati. Kung noo'y punong-puno ng pagmamahal ang kaniyang yakap, ngayon, wala na akong maramdaman, ni katiting, wala.

"We're over, I'm sorry," bulong niya. Nagulat ako sa binulong niya. 'Di ko gustong paniwalaan ang aking tainga dahil sa 'king narinig. "H-ha? Anong s-sinasabi mo?" Utal-utal kong sambit. "Break na tayo," diretso niyang turan.

Gumuho ang aking mundo. 'Di ko lubos maisip na matutuldukan nalang basta-basta ang aming love story na sabay naming sinulat.

Ang sakit, sobrang sakit. Akala ko, siya na ang, "the one," na kukumpleto sa aking buhay at magdadala ng pag-ibig, ngunit failed-ibig pala ang dala niya. Umasa ako, Bes.

Nabitawan ko ang mga lobo na binili ko para sa 'ming dalawa. Napaluhod na lamang ako sa gitna ng maraming tao. Tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Saktong bumuhos din ang ulan. Akala ko sa telebisyon ko lang ito mapapanood at malayong mangyari sa totoong buhay, yung broken hearted tapos biglang umuulan.

Ramdam ko ang buhos ng ulan sa 'king balat, ngunit 'di ang kaniyang pagmamahal na minsang humaplos dito.

"Miss," turan ng isang 'di pamilyar na boses. Tinaas ko ang aking tingin. Isang matikas na lalaki ang aking nakita.

"Halika, Miss, tumayo ka diyan, baka magkasakit ka," pagpapatuloy ng lalaki. Muling nagkaroon ng silab ang aking puso. Lagi kong pinangarap ang isang lalaking gaya nito, maginoo at maalahanin. Umalis man siya, may panibago namang pumasok sa aking buhay.

"Salamat—" Pinutol niya ang aking sinabi. "Max nga pala," naka ngiti nitong turan.

Ang lagkit ng tingin niya sa 'kin. Siya na, siya na nga. Siya na ang bubuong muli sa nabasag kong puso.

"Gusto mong kumain? Treat ko." Ngayon ko lang muli naramdamang sumaya. "Siya nga pala, sa gabi, Maxine ang pangalan ko. Ayusin muna nating iyang kilay mo bago tayo kumain, ang chaka to the highest level eh." Natulala ako sa mga sinabi niya.

Tangina, double kill.

Kuwentong Failed-ibig 3Where stories live. Discover now