Tumawa siya ng mahina At pinunasan ang pisngi dahil sa luha niya.

"Wala kaming anak ng nanay mo noon. Kaya naman kapag nababanggit kita sa kaniya ay tuwang tuwa siya. Kayo ang Rank 1 na pinakamayaman sa pilipinas Maraming may galit sainyo dahil hindi kayo matalo-talo. Pero may isang taong plinano kang patayin para bumagsak ang Negosyo niyo dahil alam nila ang kahinaan ng mga Jennings iyon ay ikaw at isa mo pang kapatid. Pero ikaw ang mas pinuntirya nila."

"Isang gabi mayroon kayong Dinner date noon. Dahil iyon ang gusto mo kaya naman pinagbigyan ka nila. Habang kumakain kayo ay may mga lalaking naka mask at nakablack ang pumasok. May dala-dala silang mga baril at pinaputok iyon. Nagkagulo ang mga tao at marami ang nagtakbuhan Hanggang sa hindi ko na kayo makita. Sinubukan ko paring hanapin ka kahit nagpapalitan na ng putok ang mga baril nila. Nakita ko Si mam Sharlene na Nakayuko kasama si Sir David. Doon na ako kinabahan na hindi sila ang puntirya kaya hinanap ko kayong dalawa ng Kuya mo. Pinilit kong makipagsik-sikan sa mga nag guguluhang tao. Nakita ko ang kuya mo na kasama ang yaya niya. Takot na takot sila Mas  dumoble ang kaba ko ng hindi kita makita" Dugtong pa niya. Lahat kami ay nakatingin lang sa kaniya at nakikinig.

"Hinanap kita hanggang sa makita kong malapit ka sa likod ng restuarant nakayuko ka at nakasiksik. Tumakbo ako papunta sayo at mabilis kang binuhat agad akong pumunta sa pinto doon sa likod ng restuarant para mapadali ang pagtakas natin. Pero naabutan parin nila tayo pinasakay nila tayo hindi kita binitawan kaya pati ako ay nadamay at walang ginawa kundi ang sumakay narin dahil alam kong kahit anong oras ay ipuputok nila ang baril na hawak nila. Kailangan kitang iligtas noon Anak kaya kahit ako ay nakaramdam ng takot mas pinili ko paring sumakay. Iyak ka ng iyak noon wala akong ibang ginawa kundi ang makiusap sa kanila. Kahit malabo na pakawalan nila tayo"

THE POOR GIRL'S REVENGENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ