Habang nasa sakayan kami bigla kong naalala yung mga nangholdap samin dati, tinignan ko yung mga tao sa paligid at merong tatlong lalakeng malalaki ang katawan na kasama namin sa biyahe, kinabahan na ako at tinabi ng maayos yung mga gamit ko. Kinalabit ko si kenneth at bumulong.


"Kenneth, itago mo yung mga gamit mo"


"Huh?"


"sabi ko itabi mo yung mga gamit mo" binubulong ko lang para hindi ako marinig.


"Itabi yung galit ko?" ano ba yan kenneth ang bingi!



"WALA!" yun nalang ang sinabi ko at hindi na siya pinansin. Tinawanan niya lang ako sabay hawak sa kamay ko at pumikit. Nagsimula ng umandar yung sinasakyan namin kaya nakitulog na din ako.


"Bakit ngayon mo lang sinasabi to sakin kenneth?@!" galit na galit ako kay kenneth kaya iniwan siya at nagpunta sa ibang lugar. Simula nun hindi kona muna siya pinansin dahil na din sa galit ko. Nasa bahay na ako at masama pa din ang loob ko sakanya kahit ilang araw na din ang nakakalipas simula ng pangyayareng iyon.


1 message received

Fr: Kenneth <3

Andrea, patay na si kenneth.



Nagulat ako at binasa ulit yung message, si kenneth patay na? pero teka bakit. Tinawagan ko agad si tita joan at tinanong kung ano ang nangyare, wala akong maramdaman at nababalot ng kamanhidan ang buong katawan ko hanggang sa narinig ko


"Andrea, pa-patay na si kenneth. Naaksidente siya kaninang umaga, pero hindi niya na kinaya"


Totoo ba to? hindi ko alam kung anong emosyon ang ilalabas ko, sari-saring emosyon ang naiisip ko. Si kenneth. Yung huling pagkikita namin ay yung inaaway ko pa siya, tapos wala na siya? iniwan niya na ako? bakit? patay na yung boyfriend ko  pero imposible. Hindi ko pa nasasabi na mahal na mahal ko siya. Gulong-gulo na ako hanggang sa bigla nalang ako naiyak ng naiyak hanggang sa hindi na ako makahinga kakahagulgol sa iyak. 


"Mama si kenneth daw ... Pata...y na, mama" hindi ko na mapigilan ang pag iyak ko. Nasan ako nung naaksidente siya? kenneth ba-bakit? Ang bilis naman, ang bata mo pa para dun. Umiiyak lang ako ng umiiyak habang si mama, napatulala lang sa gulat. Tinanong niya kung anong nangyare pero puro hindi ko alam lang ang sinasagot ko at kinikwento ko na magkaaway pa kami at hindi pa nagkakaayos habang patuloy na umiiyak. Ang sakit sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nang mahimasmasan ako, agad-agad ako nagpunta kayla kenneth. Wala na akong pakielam kahit nakatingin lahat sakin dahil namumula na yung mga mata ko kakaiyak, hindi ko talaga iniisip na pupunta ako sa burol ng boyfriend ko ngayon at pagkadating ko dun naiiyak na ulit ako ng biglang nakita kong madilim lang ang bahay, walang kalaman-laman lahat at wala din si tita. Pero meron akong isang napansin at yun ay merong kama at tunog ng electric-fan. Sinundan ko yun at nakita kong nandun si kenneth habang nakakumot, nakapikit siya at nakatapat sakanya ang malakas na hangin na electric fan habang natutulog siya ng mahimbing. Nagulat ako kase nakapang bahay ang suot niya, Nilapitan ko siya at lalong naiyak.



Pinalo ko siya ng malakas habang umiiyak na may samang ngiti sa aking mga labi.


"Kenneth@!" pinapalo ko lang siya at nagising siya, nagulat siya ng makita niya akong umiiyak, agad-agad niyang pinunasan mga luha ko


"Andrea? bakit?" pagtatakang sabi niya, patayo pa lang yung katawan niya pero niyakap ko na siya ng mahigpit kaya napahiga ulit siya habang paulit-ulit akong nag sosorry sakanya.



"Andrea, nandito na tayo... ANDREA!" pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko yung mukha ni kenneth at yung mukha niya mukhang naiirita



"Nasan tayo?" tanong ko


"Tulog ka ng tulog diyan, nandito na tayo tara na bumaba na tayo." bumaba na kami at patuloy siyang nagsalita "Pano na yan ha? Kapag trabaho mo na talaga tapos tulog ka ng tulog sa byahe, edi naligaw ka. Paano kapag bigla kang nawala?!" hala nagalit si kenneth, panaginip ko lang lahat ng nangyare kanina? Akala ko totoo na. Tinignan ko siya at niyakap ng mahigpit.


"Waaah kenneth, wag ka munang mamamatay, Sorry na sorry na bati na tayo, mahal na mahal kita" niyakap ko siya ng mahigpit habang may tumitingin na saming mga tao dahil andaming tao dun na naglalakad.


"Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Hindi ako mamamatay baliw ka talaga" sabi niya habang ginugulo ang buhok ko. "Tara na nga" kinuha niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad.


730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon