CHAPTER 36 (Vladimer's Parents) 🎯

1.3K 39 2
                                    

VLADIMER'S POV

Sobrang nagulat talaga ako na nasa harapan ko lang ang mga magulang ko na buhay na buhay!

Kaya hindi na ako nakapag salita, sa halip ay mabilis akong lumapit sa kanila at agad ko silang niyakap ng mahigpit

Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak dahil sa sobrang tuwa at saya na nararamdaman ko saking puso.

"M-ma... P-pa... Buhay kayo."- umalis na ako sa pagkakayakap sa kanila at tiningnan ko talaga ng maigi ang mga mukha nila at masaya ako na wala silang pinagbago noong huli ko silang nakita.

"Anak.. Masaya kami na makita ka naming ikinasal sa simbahan at sa babaeng pinakamamahal mo."- sabi ni ina sabay haplos sa pisngi ko.

"Na miss ka namin Vladimer anak."- sabi naman ni ama.

"Mas sobra ko kayong na miss dalawa.. Papanong muli kayong nabuhay?"- tanong ko sabay pahid ng mga luha ko.

"Hindi kami namatay."- ina.

Huh?

Anong?

Hindi sila namatay?

"Makinig kang mabuti anak, hindi kami pe'pwedeng mag tagal sa labas ng pinagtataguan namin."- ama.

"Bakit naman Pa?"- ako.

"Komplikado ang sitwasyon namin ngayon anak. Ito lang muna ang masasabi namin sayo."- ina.

"Makikinig ako." -sabi ko.

"Hindi kami pinatay ng ama ng babaeng pinakasalan mo kaya huwag mo ng sisihin ang ama niya. Tinulungan kami ng tapat kong alagad na si Quantom na magpanggap na pinatay niya kami dahil kung hindi niya kami uunahang patayin ay iba ang gagawa para tuluyan kaming mamatay."- pagpapaliwanag ni ama.

"Teka? Totoo ba yang sinabi niyo?"

"Totoo. Isang mabait na nilalang si Quantom anak at huwag kang mag tanim ng galit sa kanya."- sabi naman ni ina.

"Kung ganon po ay sino naman ang papatay sa inyo?"

"Si Lemuel anak. Ang kapamilya natin. Pinag nakawan niya ako. Ninakaw niya sakin ang pinaka importanteng bagay na sobrang delikado."- sabi ni ama.

"Ano namang bagay yon?"- ako.

"Ang pulseras na isang makapangyarihang aksesorya sa katawan."-ama.

"Gagamitin niya to samin. Kapag nalaman na niya samin kung saan nakatago ang ibang bagay na may taglay na kapangyarihan ay kukunin niya to para gamitin sa kasamaan kaya kailangan naming magpanggap na patay na para hindi niya malaman samin kung saan nakatago ang mga iyon at hindi rin namin pepwedeng sabihin sayo kung nasaan yon nakatago para hindi ka madamay."-patuloy ni ama.

"So dahil na kay pinunong Lemuel ang makapangyarihang pulseras ay papatayin niya kayo pagkatapos niyang malaman sa inyo kung saan nakatago ang mga makapangyarihang bagay na mga akseryosa? Tama ba?"- sabi ko.

"Tama."- sila.

"Kaya kinailangan niyong magpanggap na patay para hindi niya malaman kung saan nakatago ang mga iyon?"- Sinisigurado ko lang kasi naguguluhan pa ako ng kunti.

"Tama ulit"- sabi nila.

"Ahh.. Naiintindihan ko na ng mabuti."- ako.

"Kailangan na naming umalis anak, dumalo lang kami sa kasal mo dahil gusto ka naming makitang ikinasal at ang pogi mo ngayon Vladimer."- sabi ni ina.

"Si ina talaga.. Haha.. At Sige po, naiintindihan ko kung kailangan niyo ng umalis. Hindi niyo ba sasabihin sakin kung saan kayo nagtatago?"

"Pasensya na anak pero hindi pwede. Basta malalaman mo rin kapag maayos na ang lahat. Mahal na mahal ka namin."- ina.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now