CHAPTER 29 (Torture) 🎯

1.2K 35 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Ang limang head vampires ay nasa kailaliman ng kastilyo kung saan don pinaparusahan ang hindi sumusunod sa gusto nila.

"Saan ang asawa mo Marivic! Sabihin mo na!" - sabi ng Head 1 na si Lemuel Vareska. Ang ama nila Lux at ng kambal.

*WAPAK!*

"Arghh!!"- napadaing sa sakit ang mama ni Vera.

Naka kadena ang dalawang kamay at paa ni Marivic. Nilalatigo siya ng isang alagad ng mga pinunong bampira.

Ang tawag sa alagad nilang yon ay ang Reaper.

"Kung ako sayo ay magsasalita na ako.. Lalo na't isa ka lang tao at madali ka lang mamamatay."- sabi naman ng Head 2 na si Liza Vareska. Ang asawa ni Lemuel.

"Kahit patayin niyo pa ako ay wala akong pakialam! Hindi niyo rin ako magawang patayin dahil hawak ng asawa ko ang anak niyo!"- sabi ni Marivic.

Sa totoo niyan ay natatakot si Marivic na patayin siya ng mga ito pero kinailangan niyang mag matapang para hindi siya masabihang mahina at para hindi siya magamit ng mga ito.

Lumapit si Liza kay Marivic at hinawakan niya ito sa baba.

"Kapag may nangyari sa mga anak ko ay ang buhay mo ang kapalit!"

*PAK!*

"Ahh..!" -malakas siyang sinampal nito. Kahit masakit ang ginagawa nila sa kanya ay tinitiis niya lang.

"Mga duwag kayo! Hindi niyo magawang iligtas ang sarili niyong anak! Huh! Takot pala kayo sa asawa ko!"- sabi ni Marivic.

"Tumahimik ka!"

*PAK! WAPAK!*

"Arghhh..!!"- nanghihina na siya dahil sa patuloy na pag latigo sa kanya.

"Ang gusto naming sabihin mo ay kung nasan itinago ni Quantom ang mga alagad namin!"- Head 3.

Nanahimik lang si Marivic at ayaw niyang mag salita.

"Sumagot ka!"

*WAPAK.!!*

"AARGHH..!!"- Daing ulit nito matapos bumakat sa likuran niya ang latigo.

"K-kahit ano p-pang gawin niyo s-sakin ay hindi ko sasabihin kung nasan ang asawa ko!"- Marivic.

"Ahh.. Ganon? Kung sabihin kaya namin na nasa amin ang anak mo at naghihingalo na hindi mo pa rin ba sasabihin? Ha Marivic?"- Head 4.

Natigilan naman si Marivic sa sinabi ng isang pinuno.

Nanginig siya sa takot na baka nga nasa bingit na ng kamatayan ang anak niyang si Vera.

Napaluha siya habang iniisip niya kung ano ang lagay ng anak niya ngayon.

Pero alam naman ni Marivic na mga tuso ang mga bampirang ito. Gagawin nila ang lahat mapa amin ka lang.

Kaya hindi siya naniniwala na nasa kanila ang anak niya at hinding-hindi siya magsasalita kung nasaan ang asawa niya.

Kung tuso sila ay tuso rin si Marivic sa sitwasyong kinakailangan lang.

"H-huwag niyong sasaktan ang anak ko! Mga halimaw kayo!"- iyak ng iyak si Marivic para maniwala sila sa pag a'arte niya.

"Hahaha.. Mamamatay rin siya kapag hindi ka pa magsalita kaya  sabihin mo na! Ngayon na! kung nasan si Quantom!"- Head 4.

*WAPAK! PAK!*

"Aaarghh..!!"- napapayuko na lang siya dahil sa sobrang sakit ng katawan niya.

"M-mag sasalita na ako!"- sabi niya kaya napangiti ang mga Pinunong bampira.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon