CHAPTER 32 (Wedding Night) 🎯

1.4K 43 0
                                    

VERA'S POV

Dinala ng mga kaibigan ko ang mga taong inatake namin sa Vampire Facility.

Magiging bampira naman sila eh at aasikusahin ko sila kapag naikasal na kami.

Gabi na ngayon at bukas ay kasal na namin. Mag kasama na kaming anim ngayon sa tagong lugar nila Vladimer.

Malaki naman ang bahay at malaki ang kwarto kaya kasya kaming lahat.

Kaming dalawa ni Vladimer ay nasa labas ng bahay. Nakaupo sa hagdan at nakatanaw sa magagandang isda na lumalangoy.

Habang yong mga kaibigan namin ay nasa loob at nanunood ng movie.

"Love."- sabi ni Vlad. Katabi ko lang siya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hmm?"- me.

"I love you."- napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Alam ko." -sabi ko at tumingin na ulit ako sa harap.

"Galit ka pa rin ba sakin?"- siya.

"Mejo."

"Love.. Sana mapatawad mo na talaga ako."

Tumayo ako at iniwan ko muna siya. Gusto ko kasing mag lakad-lakad muna para makapag-isip para sa kasal namin bukas.

Ramdam ko naman na nakasunod lang siya sakin.

"Mapapatawad lang kita kapag naikasal na tayo."- sabi ko.

"Kung alam ko lang Love, napatawad mo na ako noh? Nagpapakipot ka lang."- Nag dahan-dahan akong umiikot para tignan siya ng seryoso.

Nangingiti pa siya at inaangat pa niya ang dalawang kilay niya.

Loko oh.. >,<

"Che! Don't talk to me.. I'm busy."- tumalikod na ako sa kanya at napangiti na lang ako sa sinabi ko.

"Asus.. Ang mahal ko.. Alam kong hindi mo ko matitiis kasi mahal mo ko.. Di ba? Di ba? Di ba?"- hinawakan niya ang magkabilang braso ko sa likuran.

Ang kulit din oh..

"Heh! Tigilan mo ko Vlad!"- me.

"Bibigay na yan.! Bibigay na yan at mapapatawad na niya ako."- pangungulit niya pa rin. >,<

"Tama ako mahal diba? Napatawad mo na ako."- lumakad siya sa harapan ko at tinitigan niya ako.

"Aishh!! Oo na! Ang kulit mo." -me.

Mas napangiti naman siya ng malapad sa sinabi ko.

"Vera."- siya.

" Oh ano na naman?"- iritang sabi ko.

"I love you." -siya.

"Alam ko nga.. Pa ulit-ulit? Unli ka? O tape recorder ka?"- pang aasar ko.

"Grabe Love hindi mo ma gets? Nag lalambing lang naman ako sayo at kung napatawad mo na talaga ako ay sagutin mo ng maayos ang sinabi ko."

"Ano ba ang sabi mo?"

"I love you."- siya.

"I love you more."- diretsang sabi ko kaya mas lalong lumawak ang ngiti ng mokong na to.. >,<

"Sabi ko na eh! Hindi talaga ako matitiis ng mahal ko. Halika nga dito."- pinaikot niya ako at niyakap niya ako sa likuran habang ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko.

Kinikilig naman ako sa ka'sweetan niya.. >///<

Tapos ay hinihimas niya ang tiyan ko. Gusto niya talaga ng baby.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now