CHAPTER 4 (At the Villa Part 1) 🎯

3.3K 106 0
                                    

VLADIMER'S POV

Habang nakaupo ako sa gilid ng puntod ng mahal ko ay bigla ko naman naisip yong babae.

Hindi ako sigurado kong ang pangalan niya talaga ay Vera pero napatingin naman siya sakin matapos ko sabihin ang pangalan na yon.

Dumating naman si Manolo at Cleo na halatang nasiyahan sa gabing ito.

"May nakita akong babae habang pabalik ako dito."- sabi ko sa kanila.

"Sino? Eh madami namang babae sa paligid."- sabi ni Manolo.

"Si Vera."- pagkasabi ko non ay nagulat silang dalawa.

" Si Vera? Di nga Vlad?"- sabi ni Cleo.

"Siya nga pero hindi ako sigurado. Parehong pareho ang kanilang mga mukha at pareho talaga sila ng itsura at katawan."- me.

"Baka hawig lang niya. Meron naman talagang ganon."-Cleo.

"Pero bakit ang amoy niya ay katulad talaga ni Veramie? Sige nga? Pano mo maipapaliwanag?"

"Oh.. Magka amoy din sila? Nakakapagtaka yan."- napahawak naman si Manolo sa kanyang baba.

"Gusto mo ba alamin kung sino talaga yong babaeng nakita mo? Para malaman natin kung sino talaga siya?"-Cleo.

"Sige, gusto ko rin malaman."- tumango si Cleo at agad siyang umalis papunta sa Vampire Facility para kumuha ng impormasyon sa lahat ng tao.

Di nag tagal ay nakabalik na siya.

"Vlad! Meron nga! Ito!"- binigay ni Cleo sakin ang isang folder at binuksan ko na ito at tiningnan ang file.

• Miss Vera Vander
• Age: 19
• School: Marigold University
• Course: Tourism
• 3rd yr college.

Yan ang nakalagay sa file niya at hindi nga ako nagkamali na Vera ang pangalan niya.

"Ano Vlad? Anong desisyon mo?"- Cleo.

"Papasok tayo sa paaralan niya at siguraduhin mo Cleo na lahat ng class subjects niya ay katulad satin."- me.

"Teka? Papasok rin kami?"- Manolo.

"Oo, may angal?" -tinitigan ko naman sila ng masama.

"W-wala.. naku.. lahat ng desisyon mo ay nakasupporta kami."- napaakabay naman siya kay Cleo.

"Diba Cleo?"- Manolo.

"O-Oo.!"- napakamot na lang sa batok si Cleo.

Nang mag umaga na ay agad na kaming nakapasok sa paaralan na pinapasukan niya.

Pagdating pa lang namin ay agad na kaming tinilian ng mga babae. Kaya agad akong napatakbo sa classroom ni Vera hindi naman nila nahalata ang pagkawala ko.

Naamoy ko rin ang pabango niya dito sa classroom kaya umupo na ako sa tabi niyang upuan.

Sinout ko muna ang eye glasses ko para hindi niya ako mahalata na ako yong taong nakita niya kagabi. Naramdaman kong parating na siya kaya nag busy-busyhan ako.

Nagbasa ako ng libro pero hindi ko naman talaga binabasa. Umupo na siya sa tabi ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na magpakilala agad sa kanya.

'She's so beautiful' -yan ang unang sinabi ko sa isip nang matitigan ko siya ng malapitan.

Nang dumating na ang guro ay agad na kaming nagpakilala sa kanila.

Pagkatapos ay nag aya ang kaibigan ni Vera na pumunta sa kanilang villa dahil wala namang klase kaya sumama na rin kami.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now