CHAPTER 19 (Vera's Victims) 🎯

1.4K 42 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Mga tatlong tao ang nagdala kay Vera papunta sa hospital. Dalawang lalaki at yong isang babae na nakakita sa kanya na nakahandusay siya sa loob ng elavator.

Pagkarating nila sa hospital ay agad nilang nilagay sa emergency room si Vera.

Putlang-putla na non si Vera at halos nangingitim na ang balat niya at may pasa siya sa katawan.

Tiningnan siya ng doktor at iba pang nurse.

Nalaman nila kung ano ang ikinahimatay ni Vera kaya lumabas ang doktor para kausapin ang mga taong nagdala sa kanya.

"Kakilala niyo ba ang pasyente?"- tanong ng doktor sa tatlo.

"Opo. Ano po dok, ayos lang po ba siya?"- tanong ng babae.

"Pinalipat ko na siya sa ibang kwarto at ipinagpahinga. Sa ngayon kasi ay delikado ang pag bubuntis niya."- Doktor.

"Ano po dok? Buntis si Vera?"-hindi makapaniwakang sabi ng babae.

"Oo.. Mga days pa lamang at parang may leukemia siya dahil kaunti na lang ang dugo sa katawan niya, mahina pa ang kanyang pangangatawan. Baka magkaroon ng problema ang pag bubuntis niya. Nilagyan na rin namin siya ng paunang lunas sa mga pasa niya."

"Ganon po ba dok? Naku naman.. Pero gagaling pa po ba siya?"

"Kung mag a'undergo pa siya ng ilang mga test at kung mananatili muna siya dito ng ilang mga araw para malaman namin kung ano pa ang kailangan niya para mapabuti ang lagay niya kaya kailangan ko muna siyang balikan para sa findings niya. Sumunod na lang kayo sakin." - doktor.

Sumunod naman silang tatlo sa doktor patungo sa room A-4, kung saan nagpapahinga si Vera.

Pagkarating nila don ay agad na silang pumasok. Nandito pa rin ang mga nurse na nagdala kay Vera habang nilalagyan na siya ng dextrose ng isa pang nurse.

Tiningnan ni Dok ang heartbeat ni Vera kung nasa kondisyon ba tapos umupo na yong tatlo na nagdala kay Vera.

"Umayos-ayos na rin ang lagay niya kaya kailangan ko na munang umalis."- tumalikod na ang doktor pero may biglang humawak sa kamay niya.

Kaya napatingin ang doktor sa kung sino man ang pumigil sa kanya.

Napatayo naman yong tatlong kasamahan ni Vera at pati yong tatlong nurse na nagdala sa kanya. Tapos silang lahat ay napatingin sa kamay ng pasyente na nakahawak sa wrist ng doktor.

Pinipilit hilahin ng doktor ang kamay niya sa pagkakahawak ni Vera pero tila parang matigas na semento ang pagkakahawak sa kanya nito kahit na nakapikit pa ito.

Pagkatapos ay biglang minulat ni Vera ang kanyang mga mata na namumula na parang kulay dugo sa pagka pula nito kaya natakot ang mga nakakita sa kanya.

Napaatras ang tatlong katrabaho ni Vera pati ang tatlong nurse habang ang doktor ay nanginginig na sa takot dahil sa kakaibang nangyayari sa pasyente niya.

Tumayo si Vera at agad niyang kinagat ang doktor sa leeg.

"AAAAHHHH...!!!"- Nagsisigawan na ang mga tao sa loob ng kwarto at nagmadali silang lumabas sa kwarto na yon.

Pero mabilis si Vera kaya naisarado niya ang pinto at kinagat niya ang isang lalaki sa kamay.

"Arghhhh..!!!"- sumigaw sa sakit ang lalaki habang takot na takot na yong iba..

Kumuha sila ng mga bagay na pwedeng ipang laban kay Vera pero madali lang itong naialis ni Vera dahil sa lakas niya.

Inatake na rin ni Vera ang ibang nurse at inuubos niya talaga ang mga dugo nito.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now