CHAPTER 7 (Field trip) 🎯

2.8K 88 0
                                    

VLADIMER'S POV

"Oh Vlad, parang ang saya mo ngayon ah? San ka galing?"- tanong ni Manolo pagkarating ko sa bahay namin.

Nasa iisang bahay lang kasi kaming tatlo nakatira.

"Huhulaan ko.. Binisita mo si Vera noh?"- sabi naman ni Cleo.

"Yeah.."- sabi ko at umupo ako sa single sitter sofa.

"Hmm.. Kakaiba yang mga ngiti mo ah? May nangyari sa inyo noh? Aminin mo na Vlad. Masarap ba? Masarap? Ha? Ano?? Dali na..!!"- pangungulit ni Manolo sakin.

"Hoy tumigil ka nga Manolo. Ano naman sa iyo ha? Oo. inaamin ko na may nangyari samin.. Hindi ko naman inakala na ma gagalaw ko siya. Gusto ko lang talaga siyang bisitahin pero ang ganda kasi niya habang natutulog ng mahimbing kaya nahalikan ko siya at hindi ko naman inakala na tutugunin niya ang halik ko. Kaya yon nag tuloy-tuloy."-me.

"Wohooo!!! Yeah Vlad binata ka na! Hahaha.. Akalain mo yon na hit mo siya agad! Ikaw na pre!"- pinaghahampas pa ako sa likod ng mokong. -_-

" Oh tapos Vlad, may sinabi siya sayo bukod sa ungol niya? Hahaha..! "- isa patong mokong na si Cleo.-__-

"Loko-loko talaga kayo noh? Gusto niyo makatikim ng sakit sa katawan ha? Naka handa na ang kamao ko."- itinaas ko ang kamao ko at pinakita ito sa kanila.

"Vlad naman.. Ang dali mo namang mainis. Umalis na nga tayo, malapit ng mag umaga kailangan na nating pumunta sa paaralan. Tsk! Bat kasi sinama mo pa kami sa pag aaral don"- maktol ni Manolo.

"Ah umaangal ka? Sige huwag ka ng pumasok sa paaralan na yon at huwag ka na ring pumasok sa bahay ko."

"hahahaha.. Lagot ka Lolo.. Sa labas ka na matutulog."- napatawa nan si Cleo.

"Anong lolo! Suntukin kita jan eh! Sa gwapo kong to. Mukhang lolo?"- tumayo silang dalawa at nakahanda na ang mga kamao nila na suntukin ang isa't-isa.

"Tumigil nga kayo. Sakit kayo sa ulo. Umalis na nga tayo." - tumigil naman sila at bigla na lang silang nag tawanan.

Mga baliw talaga. -__-

***

VERA'S POV

Andito na ako sa school at naka pants ako with blue shoes and white shirt.

Andito na rin ang bus na sasakyan namin papunta sa Mt. Nimos kung saan may kastilyo don sa tuktok ng bundok at kilala ang pamilyang Vareska na nakatira doon bilang pinakamayaman sa boung mundo at saka payag ang pamilya nila na pasukin ang kastilyo nila.

Don kami pupunta para mag fieldtrip. Madami rin kasing magagandang tanawin don sa paanan ng bundok.

Sumakay na kami sa bus. Sa kaliwang side ang girls at sa kanan naman ang boys.

Napapatingin ako kay Vladimer na katabi ko sa kanan habang si Vanessa naman sa kaliwa ko.

Si Monique nasa unahan namin. Inaalam ko kung kakausapin ba ako ni Vlad. Pero nakatuon lang ang atensyon niya sa tv screen ng bus. Ipinakita sa tv ang kastilyo ng pamilyang Vareska.

Parang seryoso talaga siyang nakatingin dito.

"Vlad!"- tawag ko sa kanya.

Napatingin naman siya sakin tapos ngumiti siya.

Ang gwapo niya talaga >///<

"Yes?"- siya.

Mag lalakas loob na akong mag tanong sa kanya tungkol kanina.

"Ano.. Kasi.. Ano.. Ahh."- nakakahiya pa rin pala mag tanong sa kanya kasi bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko yong nangyari. >,<

"Ang ano Vera?"

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now