CHAPTER 28 (Operation) 🎯

1.3K 42 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Nang lumabas na si Vladimer sa kwarto ay inihanda na ng doktor ang bagahe niya na may lamang mga kagamitan para sa operasyon.

Nag sout siya ng gwantis at nag lagay ng mask. Nilagyan niya ng dextrose si Vera na ang laman non ay dugo.

Pinakinggan muna ni Dok ang pintig ng puso ni Vera, sobrang hina na nito.

"Iha.. Kayanin mo to."- sabi ng doktor.

Agad na niyang pinunit ang damit ni Vera at nagulat siya na makita ang tiyan ni Vera na nangingitim at gumagalaw na ang baby sa sinapupunan ng pasyente niya.

*Knock! Knock!*

Pumunta muna ang doktor sa may pintuan at binuksan ito.
Binigay na sa kanya ang bag na may lamang mga dugo kaya bumalik na ulit siya sa psyente niya pagkatapos non.

Kinuha ng doktor ang limang blood bag at nilagyan niya ng hose na may karayom at inilagay ito lahat kay Vera.

Nakalagay lang sa pader ang mga blood bag.

Nang dumaloy na ang dugo sa katawan ng pasyente ay sinimulan na ng doktor na hiwain ang bandang tiyan nito malapit sa kanyang sinapupunan.

Nahirapang gawin ng doktor ang paghihiwa sa tiyan niya dahil baka ma sama niyang mahiwa ang bata dahil gumagalaw ito.

Dahan-dahan niya lang hinihiwa gamit ang kustilyo na gawa sa bronze dahil hindi pwede ang silver knife.

Nasaktan si Vera sa ginawa niyang paghiwa kaya tinurukan niya agad ng anesthesia ang braso ni Vera na mukhang tumalab naman ito sa janya kaya nag patuloy na ulit siya sa operasyon.

Napatingin ulit ang doktor sa blood bag ni Vera at ang dali lang nitong naubos. Kaya kumuha siya ulit ng limang bagong blood bag at isinabit ulit sa pader.

Mejo nawawala na ang pangingitim ng labi ni Vera kaya nagpatuloy na ulit ang doktor sa ginagawa niya.

Kailangang pababain ng doktor ang bata dahil umaangat ito patungo sa bituka ni Vera kaya nagkaroon ng infection ang sikmura niya na nagko'cause na sumakit ng sobra ang tiyan nito.

Galaw ng galaw pa rin ang bata kahit fetus pa lamang ito.

Hiniwa ng doktor ang nasirang bituka ni Vera para mapabuti ang pakiramdam nito.

Yong daluyan ng dugo ni Vera ay hinaharangan ng baby niya at inubos lahat ng dugo niya, nito dahil sa sobrang gutom ng baby niya, kaya lumalabas na ang mga ugat ni Vera sa katawan.

Nahirapan talaga ang doktor sa operasyon niya kaya halos maubos na ang blood bag ni Vera ay hindi pa rin siya natatapos.

Umabot ng limang oras ang operasyon ni Vera kaya agad ng tinahi ng doktor ang hiwa sa tiyan nito.

Bumabalik na rin sa dati ang katawan ni Vera at nagiging maayos na ang pintig ng kanyang puso.

Parang mahimbing na lang na natutulog ang dalaga sa kama.

Niligpit na ng doktor ang kanyang kagamitan at agad na siyang lumabas ng kwarto.

***

VLADIMER'S POV

Kinakabahan ako at natatakot habang hinihintay kong matapos ang operasyon kay Vera.

Hanggang sa wakas ay lumabas na rin ang doktor kaya nag silapitan kaming apat. Hinihintay ang sasabihin ng doktor tungkol sa kalagayan ni Vera.

"Successful ang operasyon kay Vera, Vladimer. Huwag ka ng mag alala sa kanya dahil maayos na ang lagay niya."- sabi ni dok kaya nakaginhawa na ako ng maayos.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin