CHAPTER 1 {Party Night} 🎯

6.3K 154 5
                                    

VERA'S POV

"Nakakainis! Lagi na lang ako nakakulong sa bahay na to. Masaya pa naman na lumabas dahil may kasiyahan. Ayaw pa akong palabasin!"- nagmamaktol ako sa loob ng kwarto ko.

Gabi na at may kasiyahan sa barangay namin at hindi ako pinapalabas ni mama dahil marami daw akong maaakit.

Tsk! Badtrip! -_-

Kasalanan ko bang maakit sakin ang mga kalalakihan?

Duh! Syempre ang ganda ko. Marami talagang maaakit sakin kahit isang tingin ko lang sa kanila ay paniguradong magiging akin na sila.

"Gusto ko talagang lumabas! Ang boring dito!"- tinapon ko ang unan sa pader at agad akong nag bihis.

Nag bihis ako ng maiksing shorts na tinernunahan ng black top shirt. Suklay ng kunti at lipstick para lively ako tignan.

"Hindi niyo ko mapipigilang gumala sandali, Ma. Mag e'enjoy lang ako ng ilang oras. Haha.."

Binuksan ko ang bintana ko. Mga tatlong palapag ang kwarto ko. Malaki kasi ang bahay namin.

Isang mansyon lang naman.

Nag-iingat akong tumalon mula sa malayong palapag ng kwarto ko mula sa baba.

"Sana hindi ako mabalian ng buto nito."- pag dadasal ko at agad na akong tumalon.

*Togshh!

"Yeah! Success! Hahaha.."- natalon ko ang tatlong palapag ng hindi man lang nagalusan. Para lang akong lumipad paibaba.

Nagmadali na akong umalis sa bahay. Mga 9 pm na at malapit na yong matapos. 10 pm pa naman matatapos ang kasiyahan.

Pagkarating ko sa Covered Court ng barangay ay marami na ang nagsasayawan.

*Togsh! Togsh! Togsh! (music sound)

" Yeah! Wohoo! Party! Party!"- sabi ko pagkarating at agad na akong sumayaw sa gitna.

Lahat ng tao ay inaakit ko. Mapa babae, lalaki o matanda.

Sexy dance ang sinasayaw ko at halos lahat ng tao ay tumigil sa pagsasayaw at tanging ako na lang ang sumasayaw sa gitna na tanging tinignan nila.

Pumaibaba ako sa pagsasayaw at nakita ko ang mga lalaking naglalaway sakin..

Lumapit na kayo. Ano ba yan. -__-

Patuloy pa rin ako sa pagsasayaw hanggang sa nagsilapitan na ang mga lalaki sakin at sinasabayan na ako sa pagsasayaw.

"Vera baby, samahan mo ko sa kotse. Mag saya tayo don."- sabi ni Ralph.

Matagal ng may gusto sakin yan. Hindi ko lang masyadong pinapansin kasi trip ko lang na hindi siya pansinin.

"No Ralph. Ayaw ko sumama sayo. Sa kanya ako sasama."- tinuro ko ang lalaking kanina pa sumasayaw sa likod ko.

Ewan ko ba kung bakit ko gustong sumama sa kanya eh hindi naman siya nag aya.

Nagulat naman yong lalaking itinuro ko. Nginitian ko lang siya at napangiti naman siya pabalik sakin.

He look so innocent. Hmm..

"Tara."- sabi ko at hinila ko na ang lalaking mukhang inocente pero cute.

Nagtago kami sa likuran ng mga haligi ng CC. Siya ang pinasandal ko sa pader imbis na ako. Agad ko siyang hinalikan at parang hindi siya marunong humalik.

Itinigil ko muna ang paghalik sa kanya at tiningnan ko siya sa mata. Ss in titig na titig sa kanyang mga mata.

"Sabihin mo nga sakin. Birhen ka ba?"- sabi ko.

"Oo."- siya.

Pareho kaming walang experience so, ititigil ko ba? But I cant resist his scent.

Ang bango ng pabango niya kaya kahit birhen pa siya at pati ako ay hindi ko matiis na halikan siya ng marahas.

Bahala na kung anuman ang mangyari.

Sinusubukan niyang sabayan ang halik ko pero I want more.

I need more..

Bumaba ako sa pagkakahalik sa kanya. Mas lalong bumango ang amoy niya.

"Hmmm.. I think your yummy."-sabi ko at napansin kong naninigas na siya.

Naninigas na parang natatakot sa pwede kong gawin?

O na e'enjoy lang siya sa ginagawa ko?

Hinalikan ko siya sa leeg niya at nakahawak naman siya sa waist ko. Habang hinahalikan ko siya ay para akong napanganga at gusto ko siyang kagatin.

Tapos.

May nakikita akong vision sa utak ko. Biglang sumakit ang ulo ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Napahawak ako sa ulo ko at nakikita ko ang nagaganap.

Ewan ko kung totoo o gawa lang ng utak ko, basta masakit ang ulo ko. >,<

Nakita ko ang mga dugo sa paligid. Mga patay na nakakalat na animoy naliligo sa kanilang sariling dugo at hawak ko ang isang lalaking duguan.

Natakot ako sa nakita ko kaya agad kong pinaalis ang lalaki. Aangal pa sana siya kaso nagalit na ako sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa para pigilan ako.

Na iwan ako dito mag-isa at kinakalma ko ang sarili ko na hindi totoo ang mga nakita ko.

"Hindi yon totoo Vera! Kumalma ka! Imahinasyon mo lang yon."- sabi ko sa sarili. Pinipilit ko talaga na huwag matakot. Lalo na ngayon na gabi na.

Nong nawawala na ang sakit ng ulo ko ay tumayo na ako ng maayos.

"Vera...."

Napatingin ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Nakaharap ang isang lalaki.
Seryoso ang mga titig niya sakin.

Ang gwapo niya. - sabi ko sa isip.

Pero bakit kilala niya ako?
Samantalang hindi ko naman siya kilala?

At bakit parang iba ang kulay ng mga mata niya?

Pula?

***

Vote & Comment ! ^.^

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now