CHAPTER 30 (My Friend) 🎯

1.2K 40 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Habang ino'operahan si Vera ng doktor at wala pa siyang malay ay nasa isang nakakatakot na panaginip ang napaginipan ni Vera.

Pero alam niyang hindi lang yon isang panaginip kundi ang mangyayari sa hinaharap.

May mga panaginip din siya tungkol sa kaibigan niyang may amang bampira.

Kaya matapos siyang maoperahan ng doktor ay nagising agad si Vera at nasa seryosong mukha ang itsura niya.

Hindi pa rin nawawala ang galit niya kay Vlad sa kanyang puso dahil sa mga sinabi nito sa kanya tungkol sa papa niya kaya napag desisyunan niyang umalis ng hindi nila napapansin. Sa bintana siya dumaan at tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na yon.

Sa estado ni Vera ngayon ay kontrolado na talaga niya ang sarili niya, sa pagiging bampira niya.

Mas malakas na siya ngayon di gaya ng dati.

Hahanapin niya ang kanyang kaibigan kung nasaan man yon ngayon.

Ang importante sa kanya ay makausap niya ito para sa mahalagang sasabihin.

***

MONIQUE'S POV

Nasa paaralan ako ngayon at maaga lang ang uwian namin. Parang half day lang.

Nag aalala na ako kay Vera at kay Vanessa. Si Vanessa daw ay ilang araw ng nawawala. Tapos si Vera ay ilang days ng absent kaya pinuntahan ko sa kanila kanina ng maaga kaso wala namang tao sa bahay nila.

Si Manolo at Vladimer ay laging absent rin. Nasaan na kaya sila?

Tapos ay absent ang babe ko ngayon. Huhuhu.. T_T

Ako na lang ang natitira.. Kawawa naman ako, walang ibang kasama. T__T

Hindi kaya nag tanan na yong mga kaibigan ko?

Pero pati yong kinaiinisan ni Vera na babae, na nagngangalang Naomi ay hindi na rin pumapasok.

Bakit nawawala na ang mga tao sa mundo!!!! >,<

Inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na ako sa bahay. Pumunta na ako sa parking lot para kunin na ang kotse ko.

Black tinted car ang kotse ko tsaka naka bullet proof para ligtas ako anuman ang mangyari. Minsan kasi sa pagmamadali kong pumapasok sa school ay dito na ako nagbibihis sa kotse ko kaya kailangang hindi kita ang looban ng kotse ko.

Binuksan ko na ang pintuan at kinuha ang susi sa bag ko. Habang kinukuha ko ang susi ay may napansin ako sa rerview mirror kaya napatingin ako sa likuran ko.

Laking gulat ko na lang na makita si Vera na nakaupo at nakatingin ng seryoso sakin. (O.O)

Papano siya nakapasok sa kotse ng hindi ito um'alarm? Tapos dito ko pa talaga siya makikita ulit ha.

"Vera! Bat ka andito sa kotse? At saka buti nagpakita ka na, ilang araw ka ding hindi pumapasok ah."- sabi ko sa kanya.

Umayos akong humarap sa kanya.

"May ginagawa lang kaya hindi na ako nakapasok."- sabi niya ng seryoso pa rin ang tingin sakin.

Nakakatakot na siya ah. >,<

"A-Ano naman ang ginagawa mo?"- nanginginig kong sabi.

Iba kasi ang aura niya ngayon. Parang sobrang mapanganib kaya nakakatakot. >,<

"Takot ka ba sakin Monique?"- siya.

"Huh? A-ahh.. H-hindi noh!"- napaharap na lang ako sa manobela.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon