CHAPTER 33 (Scape) 🎯

1.2K 41 0
                                    

3rd PERSON'S POV

Pumunta na sa bansang Afghanistan si Head Vampire Lemuel kasama ang iba pang bampira na malalakas.

Habang ang ibang Head Vampires ay naiwan para solusyonan ang mga Wild Vampires na dumarami sa bansa. Hinahanap na rin nila si Vera at Vladimer pati ang mga kaibigan nila.

***

QUANTOM'S POV

Nasa isang bundok kami ngayon at nakikipag laban na ang mga wild vampires sa mga kalaban ko.

Ngayon ay mas lumakas na ang mga alagad ko at mas dedisiplinado na sila ngayon.

Magkatingin lang kaming dalawa ni Lemuel na nasa kabilang bundok nakatayo.

'Nasaan ang mga anak ko Quantom!'- sabi niya saking isip.

'At nasaan ang asawa ko Lemuel.'- sagot ko.

'Huh! Dahil tuso ang asawa mo dahil hindi niya sinabi samin na wala dito ang mga anak ko ay mas lalo siyang magdudusa sa kamay ko!'

'Ah talaga? Pano kung sabihin ko sayo na wala na ang asawa ko sa kamay mo?'- sagot ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

'Hahaha.. Sa tingin mo mauuto mo ko ha? Nagkakamali ka dahil binabantayan ng tauhan ko ang asawa mong tao!'

'Sigurado ka? Ba't hindi mo subukang alamin kung anong nangyayari sa lugar niyo? Sa kastilyo mismo na inangkin mo?'

"Tigilan na natin ang usapan!" - mabilis siyang nakapunta sa harapan ko. Hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat at ang sama ng mga titig niya sakin.

*Bogsh! Bogsh! Bogsh!*

Sunod-sunod na suntok ang ipinatama niya sakin. Ako naman ay sinasalag ko ang atake niya gamit ang kamay.

Mabilisan ang paglalabanan namin.

"Nagawa mo pa talagang traydurin ang kapamilya mo!"- Sabi ko at nahawakan ko ang kwelyo niya at agad ko siyang binalibag sa lupa.

*TOGSH!*

"Argh!"- daing niya kaya agad naman siyang tumayo at hinawakan niya ang magkabilang paa ko.

*Woshhh!*

Binuhat niya ako at pinaikot ng ilang beses at..

*TOGSHH!*

"Arghh! *uho* " - tumama ako ng malakas sa puno kaya nasira at natumba ito.

Walang duda na nasa kanya nga ang kagamitan nila boss Romualdo.

*BOGSHH!*

Mabilis siyang nakalapit sakin at ginamit niya ang dalawang kamay niya para suntukin ako sa sikmura. Kaya naman ay napaatras ako sa malakas na pwersa ng suntok niya at tumama ako sa mga puno.

Nasaktan talaga ako sa pag atake niya at nahihirapan akong tumayo.

'Ano na Quantom! Nahihirapan ka na ba?'- sabi niya.

Hindi ako sumagot sa tanong niya at sa halip ay tumalon ako ng mataas papunta sa kinatatayuan niya at agad ko siyang nilagyan ng krus sa mukha kaya nasunog ito pero bago pa siya tuluyang masunog ay umatras siya.

"Kahit na nasa iyo ang pagmamay'ari ng pamilyang Vareska ay hindi ka pa rin magiging malakas dahil may kahinaan ka pa rin!"-sabi ko.

"At anong tingin mo sakin hindi isang Vareska? Huh! Kinukuha ko lang ang parte ko sa pamilya! Yaaaahhh..!"- may pinalipad siyang maraming kutsilyo na nakatago sa kanyang kapa.

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now