CHAPTER 34 (The Twins) 🎯

1.3K 39 0
                                    

LEILA'S POV

Nong sinalakay namin ang kugar kung nasaan si tito Wilder ay natalo niya kami.

Pagkagising naming dalawa ni Lulu ay nasa isang higaan kami natutulog tapos parang gawa talaga sa pang bata ang boung kwarto.

"Ang sakit ng ulo ko."- sabi ni Lulu.

"Magiging maayos ka rin Lulu."- sabi ko sa kanya.

Sobrang close kami ng kapatid kong si Lulu. Ako ang mas matanda saming dalawa.

"Magandang umaga mga bata."- napatingin kami sa bampirang nag salita.

Si Tito Wilder o mas tinatawag lang sa pangalan niya na Quantom na tinuring na naming tunay na ama ni Lulu.

Sobra siyang maalaga saamin kahit hindi namin siya ka anu-ano at sobrang bait niya. Mas gugustuhin ko pa na siya ang ama namin kasi hindi naman kami inaalagaan o inaasikaso ng papa namin.

Parang wala siyang mga anak na babae dahil mas tinuturing niya kaming mga alagad niya.

Mas gusto niya si kuya Lux kesa samin dahil siguro lalaki si kuya at kami'y babae kaya ayaw niya samin.

"Masakit pa ba ang ulo mo Lulu?"- lumapit samin si Tito at umupo siya sa kama.

"Mejo lang po."- sabi ni Lulu.

"Inumin mo to. Pampawala ng sakit ng ulo."- binigay ni tito ang isang tasang tubig na kulay asul at agad namang ininom ni Lulu.

"Bakit dito lang po ninyo kami dinala? Nasaan po si kuya at ang iba pa naming kasamahan?"- sabi ko.

"Kinulong ko ang kuya niyo at yong iba pa. Pasensya na kung kailangan kong gawin yon sa inyo."- siya.

Nanahimik lang kami.

"May sasabihin ako sa inyo. Tungkol sa nakaraan. Tungkol sa ama niyo."- patuloy niya.

"Ano po yon?"- me.

"Alam niyo ba na ang ama talaga ninyo ang nag utos na patayin talaga ang anak kong si Veramie noon? Na tinuturing niyo ng ate."

"Mejo lang po. Dahil isa pong pinuno ang ama namin kaya kailangan niya lang panindigan ang batas ng mga bampira. Kailangan niya talagang parusahan si ate Veramie dahil yon ang nararapat."- sabi ko.

Kahit nga nakita namin ang ginawang parusa ng mga Head Vampires kay ate Veramie ay wala kaming magawa para pigilan sila. Hindi namin siya matutulungan dahil mga bata pa kami non mga six pa kami at mapapagalitan kami nila Ama at ina kapag tinulungan namin si ate.

Kahit na naaawa na kami sa kanya ay wala kaming ibang magawa kundi ang manood lang ng hindi napapansin ng iba.

Kahit yong pag gahasa ni kuya kay ate ay nakita namin kaya napapikit na lang kami at naiiyak habang naririnig namin sigaw niya.

Ang alam lang ni kuya Vladimer ay naparusahan si ate Veramie. Hindi niya alam na ginahasa ito ni kuya.

Kaya nga naaawa kami kay kuya Vlad.

"Nagkakamali ka Liela."- sabi ni tito.

"Huh? Bakit naman po?"-me.

"Kasi bago nila naparusahan ang ate Veramie niyo ay isa na siyang bampira kaya hindi nila maaring saktan man lang ang anak ko."

Natigilan naman kami sa narinig namin mula sa kanya.

Isang bampira si ate Veramie?

Papano?

"Hindi po namin maintindihan."- sabay naming sabi ni Lulu.

"Ganito yon mga bata. Nong gabing magkasama si Vladimer at Veramie ay kinagat ni Vladimer si Veramie tapos alam niyo naman na dalawang araw bago magiging bampira ang isang tao diba kapag nakagat?"

Tumango naman kami.

"Tapos non ay inutusan ng ama niyo si Vlad na pumunta sa ibang bansa para asikasuhin ang mga bagay-bagay. Kaya nong umalis siya ay naiwan lang sa kwarto ng kastilyo ang anak ko na patay pa rin."

So bampira pala talaga si ate Veramie? Hindi ako makapaniwala!

"Nagkaroon ng pagkakataon ang ama niyo na kunin ang anak ko bago pa ito tuluyang maging bampira at don na nila sinaktan ng walang awa ang anak ko na naging dahilan ng pagkamatay ni Veramie. Kinuha ng ama niyo ang puso niya at inilibing ito sa kung saan."

"Agad naman nilang inilibing ang anak ko para hindi malaman ni Vlad at ng iba pang bampira na yon ang ginawa ng ama niyo sa anak ko."-patuloy niya.

Hindi ko alam kong pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya dahil ang sinisisi niya ay ang ama namin.

Pero bumalik sa alaala ko ang tagpong mag kausap sina ama at ina.

"Anong plano mo Lemuel?"-sabi ni ina.

"Ako na ang bahala sa babaeng naka kita sakin kanina. Kailangan siyang maturuan ng leksyon dahil siya'y nakikialam."-sabi ni ama.

Hanggang don ko lang narinig ang usapan nila.

Kaya din siguro na hindi nakalaban si ate Veramie noon kahit bampira na siya ay mahina pa siya dahil hindi pa niya kontrolado ang pagiging bampira niya at siguro din ay may ginawa sila kay ate Veramie kaya sobrang hina nito noon.

Si ama talaga ang punot-dulo ng pagkamatay ni ate Veramie.

Ang Sama niya!

Bakit siya pa ang naging ama namin! >,<

"Kaya nga ay naghihiganti ako sa pagkamatay ng anak ko sa mga pinunong bampira lalo na sa ama niyo. Kaya sana ay huwag kayong magalit sakin kung may galit ako sa ama niyo at gusto ko siyang mawala sa mundo. Alam kong mahirap tanggapin na siya ang may kasalanan ng lahat pero yon ang totoo. At sana tulungan niyo kong mabawi ang asawa ko dahil hawak ito ng ama niyo." - Tito.

"Naniniwala po ako sa inyo tito Wilder at tutulong po kami ni Lulu na kunin ang asawa niyo sa kastilyo."- seryosong sabi ko.

"Talaga?"- paninigurado niya.

"Opo."- me.

"Eh ikaw Lulu? Tutulungan mo ba ako? Paniguradong sinasaktan na nila ang asawa ko at isa lang siyang tao kaya madali lang siyang masaktan."

"Gagawin po namin ang lahat mabawi niyo lang ang asawa ninyo."- sabi ni Lulu kaya napangiti si tito pati na rin kami.

"Maraming salamat sa inyo mga bata ha at saka alam niyo ba.. Itinuring na talaga kayo ni Veramie na totoong mga kapatid niya. Mahal na mahal niya kayo dahil kasi hindi niya naranasang magkaroon ng kapatid."-tito.

"Alam po namin yon tito.. Kaya nga kami ay nagpapasalamat dahil po sa pag aalaga niya samin kagaya ng pag aalaga niyo rin saming dalawa ni Lulu."- sabi ko.

"Naku... Gawain talaga yon ng mga tatay na alagaan ang mga bata at ang anak nila kaya kayong dalawa ay maari niyo rin akong tawaging ama kung gusto ninyo."

"Talaga po? YEY!! So ibig sabihin ay magiging ate na namin si ate Vera? Kahit na mas matanda kami kesa sa kanya?"- masayang sabi ko.

Eh kasi naman ang babata pa rin naming tignan at mga bata pa talaga kami noh. Mga 12. ^.^

"Oo naman at masasayahan yon kapag may mga kapatid na siya."

"YEHEY!!! YES! YES! YES! Thank you po! The best ka po talaga tito! Este daddy!"- Sabay naming sabi ni Lulu at agad namin siyang niyakap ng mahigpit.

Narinig naman namin na natutuwa siya pati na rin kami.

Kinabukasan non ay niligtas na namin si Tita Marivic.

.
.
.

***
Next Chapter na ang kay Vera ^.^

Siningit ko muna to.. Hehe..

***

Voteeeeeee!!!

Vampire Stare {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now