Secret 10: Drunk

Magsimula sa umpisa
                                    

Umakyat siya sa puno at umupo sa matayog na sanga. Sumandig siya at pinikit ang mata. Bahala na ito. Magpakasaya sa piling ng ibang lalaki kung gusto niya pero huwag na huwag na itong babalik sa kanya na nagsisi dahil mas pinili nito ang ibang lalaki. Hindi lang naman siya ang babaeng sa mundo. Damn! He could get any girls if he wanted to! Bigla siyang ngumiwi ng naramdaman niyang pinong kirot sa paa at braso niya. Kinakagat na pala siya ng langgam! At dahilan na rin nawalan siya ng balanse at diritsong nahulog siya sa puno at nadaganan ang isang tao.

Naputol ang pag-iisip ni Lance nang naramdaman niyang may tumabi sa kanyang upuan. Nang nilingon niya ito ay isang magandang babae lang pala at pumupungay na ang mata na nakatitig sa kanya.

“Hey handsome. Are you free tonight?”

Maganda ito at malakas ang sex appeal. Kung hindi pa niya nakilala si Steffani noon at naging kasintahan ay baka kagatin niya ang paanyaya nito.

“Leave me alone.” Angil niya rito, sumimangot ito na iniwan siya. Narinig pa niya ito.

Sayang gwapo pa naman! Killjoy!”

Inubos niya ang dalawang bote ng alak. At hayun, tinamaan na siya ng espiritu ng alak. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya ang Blizzard Gang na may nabiktima na naman isang tao. Tumayo siya at naglakad patungo doon.

*

“ANO ba ang problema mo?” Hindi makatiis na tanong ni Presea kay Sofia. Alas dyes na nang gabi at hindi pa gustong umuwi nito at gustong maglasing kahit hindi naman kaya ng katawan nito ang alak. Grabe! Kahit anong pigil niya rito na huwag uminom dahil seventeen pa ito, eh ayaw magpaawat. Walang problema sa kanya na uminom dahil ninteen na siya.

Kahina pa sila dito pero hindi pa nasasagot ang tanong niya kung anong problema nito at bakit umiiyak. Loka loka na siguro. Isang shot lang ng tequila siya uminom dahil siya ang magmamaneho pauwi sa kanilang bahay. 

“Walashh…”

“Nagpapalibre ka lang ng drinks kaya niyaya mo ako? Ganon?”

Ngumisi lang siya na parang baliw tas hayan! Bumigay na! Hay naku! Swerte ng bruha dahil mayaman siya kung hindi ay hindi niya alam kung anong gagawin rito.

Oh lord wish ko lang na hindi siya mabigat.

Tumayo na siya sa kinauupuan at akma na tatapikin ang pisngi ni Sofia nang may lumapit sa kanila na isang lalaking pangit “Hi miss.”  

Hindi niya ito pinansin. Nainsulto ata ito sa ginawa niya kaya hinablot ang braso niya. 

“Suplada mo ah!”

 “Bitiwan mo nga ako.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon