"Chapter 62: Stupid Person"

Começar do início
                                    

Nagkatinginan kami ni Aikee, tapos umiling ako.

"Wala." sabi ko

"Wala? Baka naman talagang meron tapos ayaw niyo lang sabihin sakin, hmm."

"Oo, wala talaga hehehe.. Kung meron man sasabihin namin sayo." sabay hawak ako sa batok

Tinignan niya ako sa mata para makipagtitigan sakin hanggang sa ngumiti siya ng malapad at nagsalita.

"Sige na nga. Oo nga pala, nakaisip na ako kung saan naman tayo susunod na mamamasyal. Doon tayo sa big park gusto kong magfoodtrip at sumakay sa mga rides."

"Heeeeh? Seryoso kaba? Wala kang balak magpahinga muna kahit saglit?" tanong ni Aikee

Umiling si Otoha, "Hindi. Masaya kaya ang mamasyal, lalo pa alam ko sa aking sarili na gwapo ngayon ang dalawang kasama ko hehehehe.." sabay tawa siya sa mahinhin na boses habang nakatakpan ng dalawang palad ang kanyang bibig.

"Pwede naman sa iba, diba? Huwag na doon."

"Aikee, alam kong cute ka pero alalahanin mo na ako lang ang nag-iisang babae sating tatlo kaya dapat ako lang ang masusunod. Doon sa big park ang gusto ko. Okay tara na umalis na tayo."

Pagkasabi niya, tinalikuran na kami at tinaas ang isang kamay niya para ituro ang daan saka siya tumakbo.

Nagulat ako nang biglang yumakap sakin si Aikee.

"Tol, big park daw narinig mo 'yun? Medyo malayo 'yun eh.. pagod na ako, gusto ko ng umuwi." kaartehan niyang sinabi

Natawa ako, "Hahahaha.. bakla kaba? Umayos ka nga, alisin mo yang kamay mo sakin. Wala tayong magagawa halimaw ang babaeng kasama natin ngayon."

Humawak siya sa magkabilang balikat ko, "Aaaargggh.. mas gusto ko pa yatang si Seeley ang kasama ko kahit makulit siya basta huwag lang ang katulad ni Otoha." sabay niyugyog niya ako

"Whahahahaha! Pucha ka bro. Tumigil ka nga para kang di lalake nyan eh, nahihilo ako hahaha heheh---" naudlot ako sa kakatawa at napatingin kami kay Otoha ng marinig namin siyang sumigaw habang nagwi-wave hands samin.

"Ooooy! Koutaro, Aikee! Ano pang ginagawa niyo dyan?! Tara naaaa!!"

"Sige, nandyan na kami!" sigaw ko tapos pilit kong inalis ang nakapulupot na braso ni Aikee sakin

Lalakad na sana kami nang biglang marinig namin yung boses ni Shinsuke kaya napalingon kami sa likuran. Nakita namin siyang papalapit samin.

"Koutaro, Aikee.. ano bang ginagawa niyong dalawa dito?"

Dahil sa hindi na nahintay ni Aikee ang paglapit ni Shin, siya na ang gumawa para lumapit. Mabilis siyang tumakbo sabay yumakap kay Shin at ang sabi niya agad.

"Shin, tulungan mo kaming makatakas sa halimaw na babae!"

Ako naman, natawang bigla sa narinig..

"Anong pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ako." sabi ni Shin

"Basta! Tulungan mo nalang kami makatakas bago pa siya makalapit satin."

"Bro, hindi kita maintindihan."

Habang papalapit na ako sa kanila hindi ko parin mapigilan ang matawa. Lalo na, nakikita ko ang pagkataka sa mukha ni Shin sa sinabi ni Aikee.

Andito pala si Shinsuke ngayon dahil tinawagan ko siya kanina sa phone mga isang oras narin ang lumipas. Sinabi ko sa kanya na puntahan niya kaming dalawa ni Aikee dito sa lugar na pinapasyalan namin.

Tulad Mong Isang PrinsesaOnde histórias criam vida. Descubra agora