"Chapter 12: Amazona One Punch!"

1.2K 59 1
                                    

"Kurt Sha's POV"

"Haaaaaa.."

Pang-ilang hikab ko na 'to aah. Buti nalang nakatalikod ang professor namin habang nagsusulat siya sa blackboard kundi sigurado patatayuin niya ako sa labas kapag nahuli akong naghihikab sa kalagitnaan ng pagtuturo niya.

Sa bukod ang boring na nga niya magturo, ang boring pa ng itsura niya.

Sumulyap ako sa orasan na nakadikit sa taas ng blackboard para makita kung anong oras na at 1:24pm pa lang.

Grabe talaga oh! Kapag binabantayan mo ang oras saka naman ito bumabagal.

Tapos napalingon ako sa may pinto ng section namin kahit sarado ito, dinig na dinig ang boses ng mga ibang estudyante sa labas ng hallway at pati na rin ang mga estudyante na nasa loob ng classroom nila sa sobrang kaingayan.

"Buti pa mga 'to nagagawa ang gusto kahit second class na. Sabagay hindi pa kasi dumarating ang mga prof ng ibang section." sa isip ko

Binalik ko ulit ang tingin sa boring naming Prof.

"Bakit pa kasi dumating ka pa?" sa isip ko

Ipinatong ko ang ulo ko sa ibabaw ng desk sa sobrang pagkaboring tapos tumingin na naman ako sa may pinto hanggang sa unti-unti kong nararamdaman ang pagkaantok. Ipinikit ko muna ang aking mga mata at meron akong naririnig na nagbubulungan sa likuran ko. Ang dalawang classmates ko na babae.

"Sis, napanood mo ba yung nangyari kaninang umaga na meron apat na lalakeng estudyante tapos lumapit sila sa mga babaeng estudyante at may kasama pa silang isang bakla?"

"Oo sis.. nasa may quad ako nun. Nambabastos kasi yung isang lalake kaya nagalit yung bakla tapos hinawakan ang kwelyo niya sabay binalibag siya patumba sa semento."

"Ahehehe masakit kaya iyon. Kaso malas ng lalake noh? Hindi niya alam na amazona girl pala ang isang kasama ng bakla. Kaya nakatikim ng sakit sa katawan itong si boy kay girl."

"Oo nga, hehehe.. Buti nga sa mga ganung lalake. Mga fellengero kasi ang papangit naman."

Pagkatapos nilang magbulungan, nagtatawanan na silang dalawa at malinaw ko naman narinig ang pinag-usapan nila.

"May pagkamaangas naman talaga si Jhe kung minsan, pati sa pagsasalita hindi nagpapatalo kapag tinaasan siya ng boses makikipagsabayan din. Kung titignan siya parang mahinhin na babae pero yun pala may pagkasaliwa." sa isip ko

Minulat ko ang inaantok kong mga mata, kinusot-kusot ng isa kong kamay. Sunod nun, inangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa prof namin tapos nakita ko na saktong papaharap na siya sa amin. Tinaas ko ang isang kamay ko para makuha ang atensyon niya.

Tumingin siya sakin.

"Yes, Yutuke?"

"Sir, excuse lang po ako saglit. Pupunta lang sa restroom."

Tumango siya bilang pagpayag sakin. Kaagad akong tumayo at lumabas ng classroom. Pagkasara ko sa pinto nagstretching arms ako.

Ang sarap sa pakiramdam.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako pupunta sa restroom. Wala lang talaga akong balak makinig sa tinuturo ng boring naming prof na yun.

Nag-umpisa na akong maglakad sa hallway at nakikita ko ang mga estudyante na nagsi-kalatan dito lols!

Sa paglalakad ko, bigla kong naisip na pumunta na lang sa taas ng rooftop para matulog doon. Wala eh, inaantok talaga ako. Bahala na ang mga next subject andyan naman sila Shinsuke at Aikee.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now