"Chapter 102: Sleeping Beauty"

62 18 0
                                    

"Narrator's POV"

Muling bumukas ang pulang kurtina.

-Background Set: Cottage of the Seven Dwarfs-

*Jonathan The Narrator: "Habang kalmado na naglalakad si Cinderella x Snow White sa kagubatan para tumakas palayo sa ina niyang madrasta ay bigla naman siyang nahinto sa paglalakad nang makakita siya ng isang tiny cottage. Na-curios siya sa tiny cottage kaya sinubukan niya itong lapitan. Pagkalapit niya sa pinto ay agad siyang kumatok ng tatlong beses at agad din na may bumukas ng pinto mula sa loob. Umatras siya ng dalawang hakbang nang makita niya ang dalawang dwarfs na lumabas mula sa loob ng pinto. Ang pangalan ng dalawang dwarfs ay sila Doc The Leader Of The Seven Dwarfs at Dopey The Slender Dwarf. Ayan na mag-uusap na sila at si Cinderella ang unang magsasalita."*

"Magandang araw sa inyo at mawalang galang na din po. Pasensya na sa abala pero tao ba kayong mga nakatira dito? Sobrang liit ng bahay niyo. Akala ko pa nga bahay ng aso ito. Para lang kasi."

"Hindi. Mga dwarfs kami na nakatira dito. Tiny cottage ang tawag namin sa aming tirahan." mahinahon na sagot ni Fumiko bilang si Doc The Leader Of The Seven Dwarfs

"Ganun ba? Mga dwende pala kayo. Hindi ko akalain na makakakita ako ng mga kalahi ng stepsister ko na si Anastasia. Siguradong matutuwa iyon kapag nakita niya kayo."

Magsasalita na sana ulit si Fumiko pero natigil siya nang marinig nila ang boses ni Seeley sa kaliwang gilid ng stage.

"Hindi ako isang dwarf, Cinderella! Mag-ingat-ingat ka sa sinasabi mo kundi ako ang papaslang sayo."

Pagkarinig iyon ng mga audience bigla silang natawa kay Seeley.

Marahan na hinawakan ni Arisu ang baba niya.

"Hmm.. kung ganun nagkamali ako. Hindi pala siya isang dwarf. Siguro isa siyang elf. Yun din kasi ang isa pa sa insultong tawag ni stepmother sa kanya. Di na nga bale, kalimutan nalang natin ang stepsister ko na si Anastasia para wala ng kokontra. Sadyang mahilig lang din siyang sumabat katulad ni stepmother. Like mother, like daugther."

Tumawa ng mahina si Fumiko habang nagsasalita.

"Haha ganun ba? Sige, mas mabuti nga kung kalimutan nalang natin siya at huwag ng isingit sa eksena natin para hindi na gumulo ang istorya hahaha."

"Oo nga. Pasensya na, sir Doc." marahan na nagbow si Arisu sabay ngiti

Tinaas ni Fumiko ang isang kamay niya at ginalaw-galaw ng pakanan at kaliwa.

"Naku. Huwag mo na akong tawagin pa sa pangalan ko na may kasamang sir. Kahit tawagin mo nalang ako sa mismong pangalan ko na Doc."

"Sige po, Doc."

Napatingin si Arisu sa mukha ni Aoi bilang si Dopey The Slender Dwarf nang mapansin niya ito na hindi umiimik at nakangiti lang habang nakikinig sa kanilang dalawa ni Fumiko.

"Bakit para yatang hindi ka dyan nagsasalita? Ang tahimik mo lang. Pero kahit paano naman ay ngumingiti ka. Ang ganda ng ngiti mo kaya ipagpatuloy mo lang yan hanggang sa maging permanente ka ng ganyan."

Umiling-iling naman si Aoi dahil hindi siya sumang-ayon sa sinabi ni Arisu.

Pinatong ni Fumiko ang isang kamay niya sa balikat ni Aoi.

"Siya si Dopey. Bata palang siya dati ay hindi na siya marunong magsalita. Tahimik lang talaga siya. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya? Pero mabait siya at masipag na kasama." nakangiting sabi ni Fumiko kay Arisu

Tulad Mong Isang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon